John Estrada pinababayaan ang mga anak kay Janice

Napanood ko yung isang segment ng SiS na kung saan naglabas ng sama ng loob si Janice de Belen laban sa kanyang ex husband na hindi raw nagbibigay ng suporta para sa kanilang mga anak.

Nalulungkot ako para sa mga babaeng nalalagay sa mga ganitong sitwasyon. Na pagkatapos maki­paghiwalay sa kanilang asawa ay mag-iisa nang bu­buhayin ang kanilang mga anak dahil maraming lalaki ang kinakalimutan na ang kanilang respon­sibilidad bilang ama dahil lamang naghiwalay sila ng ina ng mga bata.

Aba huwag naman ganyan. Asawa lamang ang nawala sa iyo, hindi ang mga anak mo. May obli­gas­yon ka at hindi ito nawawala dahil lamang nag­bago ang status mo sa buhay. You’re now separated, but not childless.

* * *

Kung hindi ko pa nakita si Dino Guevarra na may ginagampanang role sa isang serye ng GMA 7, buong akala ko ay nag-disappear na siya completely from showbiz. Hindi pala.

Come to think of it, marami tayong mga artista na parang nawawala na. Tulad ni Wowie de Guzman na kung kailan gumaling sa pag-arte at saka nawala.

Sayang din si Lotlot de Leon na pumunta na pala ng walang kaabug-abog sa US.

Nakaka-miss na rin sina Niño Muhlach at Nora Aunor. Babalik pa kaya sila?

* * *

Mukhang isa na namang problema ang kakaharapin ng seryeng Tinik sa Dibdib. Nauna nang nawala si Sunshine Dizon na siyang nagdadala ng titulo.

Ngayon, nanganganib na mawala pa rin si Ara Mina na lalahok sa pulitika sa 2010. Eh hindi naman maliit ang role niya sa nasabing serye. Hindi kaya kung mawala rin siya ay tuluyan nang magiba ang kuwento ng Tinik sa Dibdib?

Show comments