Nag-file ng indefinite leave of absence sa Kapuso: Paolo Bediones naghahanap ng trabaho
Sa finale ng Survivor Philippines Palau, sinabi ng host nitong si Paolo Bediones na pahinga muna siya. Nag-file siya ng indefinite leave of absence sa GMA 7. Presently, he’s looking for work. Ayaw niya ng trabaho na ibibigay lamang sa kanya para siya magka-trabaho. Gusto niya yung trabaho na gusto niyang gawin.
“Gusto kong mag-host ng game show, talk show o reality show kaya. I’d be comfortable hosting a show na alam ko. Pero kung gagawin uli ng GMA ang Season 3 ng Survivor, I’d be glad to host it again.
“I’d like to conceptualize my own show, I can produce it too.
“On leave din ako sa Unang Hirit, mga isang buwan na. Nag-leave ako dahil nag-expire na naman ang contract ko with GMA. Habang bakasyon, family muna ang aasikasuhin ko. Matagal na kaming hindi nagkakasama. Kami lamang ng sister ko ang nagkikita because she stays with me.
“Saka na ang lovelife, family muna. Hindi magiging malamig ang Pasko ko. My family will keep it warm for me. Also, I’ll spend time swimming, going to the gym, playing basketball, matagal ko nang hindi ginagawa ito. I also hope to think of ways to reinvent myself.
“Meanwhile I enjoy guesting in shows like Talentadong Pinoy and Who Wants To Be A Millionaire? for TV5. It’s such a nice feeling na nakakalabas ako sa iba.
“I have a cameo role in Shake, Rattle & Roll with Maja Salvador and Janice de Belen under Rico Gutierrez.
“This is my third film and although I enjoy the experience. I’m really a TV host. It’s what I do best. A talk show would really be nice. In my nine years with S Files alam ko na kung paano tatanggalin ang wall na inilalagay ng artista sa pagitan nila at ng nag-iinterbyu sa kanila,” pagmamalaki niya.
Samantala, matagumpay ang season 2 ng Survivor Philippines Palau. Thanks to Paolo Bediones at ang magandang rapport niya with all the Castaways.
Naimbita ako sa final night ng nasabing reality search at kahit matagal kaming naghintay ng press dahil ginawang live yung announcement ng winner at ang seremonyas na ginawa bago inihayag ang nanalo.
Punung-puno ang Studio 5 ng GMA 7. At nagtaka ako dahil bakit parang kabadung-kabado pa ang tatlong babaeng Castaways gayong akala ko ay alam na nila kung sino ang mananalo sa kanila. Pinasumpa pa sila at inilagay sa kanilang kontrata na hindi nila ipagsasabi kung sino ang nanalo. Kung ito ang kaso, eh ang gagaling nilang umarte.
Sa tatlong finalist, pinaka-magaganda sina Jef Gaitan, ang tinaguriang girl next door at Amanda Colley Van Cooll, ang probinsyanang Tisay.
Maganda rin si Justine Ferrer, na kung hindi umaming isang transsexual ay hinding-hindi mo mahahalata dahil bukod sa maliit ang kanyang boses ay babae na rin ang itsura at taas niya.
Malungkot si Justine kaya alam kong matatalo siya. Unlike Jef and Amanda na mukhang masaya. Kaya medyo nahirapan akong manghula ng winner. Mahigit dalawang oras inabot ang tape as live. Halos mag-abot ito at ang live show. Ngayon lang ako nakapanood ng taping na ang daming takes.
Ang suwerte ng nanalong si Amanda dahil mayroon siyang P3 million na tax free.
Let’s just hope na tulad ng winner ng Season 1 na si JC Tiuseco, magtagumpay din siya sa showbiz. At ang mga kasamahan niyang 15 Castaways.
* * *
Surely, si Manny Pacquiao ang magiging laman ng lahat ng balita ngayong hapon sa TV, pagkatapos ng kanyang laban kay Miguel Cotto, lalo na kapag nanalo siya. Hindi maiiba siyempre ang Showbiz Central na may mga eksklusibo at maaiinit na balita tungkol sa laban at kay Manny.
May balita rin ang SC tungkol kay Alfred Vargas at sa kanyang foreigner girlfriend. Magpapakasal na ba sila para mawakasan na ang kanilang long distance relationship?
Siguradong maiintriga kayo sa kung sino itong ex basketball player at ex ng isang sexy comedienne na tinalikuran ang showbiz para maging isang misyonaryo.
Guess again.
- Latest