Pop idols ng dekada '80s magpapatalbugan

MANILA, Philippines - Ang tinaguriang Men of the ’80s, na siya ring titulo ng concert sa SM North EDSA sa Nov. 21, na sina Raymond Lauchengco, Louie Heredia, Gino Padilla, at Randy Santiago ay muling magpapagalingan sa pagkanta at ibibida ang kani-kanilang hit song noong 1980s.

Si Raymond ay nakilala sa pelikulang Bagets at nakapag-record ng mga tiniliang Farewell, I Need You Back, at So It’s You.

Ang Nag-iisang Ikaw, Can Find No Reason, Iisang Damdamin, at Kahit Kunwari Lang ang kay Louie. 

Si Gino naman ang naging kaeksena ni Tina Turner sa isang softdrink commercial at naging toothpaste jingle pa ang kanta niyang Closer You and I. Kanya rin ang hit na I Believe in You at Let the Love Begin.

Ang Mr. Shades na si Randy naman ang nagpa­sikat ng Bababaero, Hindi Magbabago, Paikot-ikot, Para sa ’Yo, at Yakap-Yakap.

Mabibili na ang mga tiket sa Men of the ’80s one-night concert na ipinrodyus ng Viva Concerts & Events sa lahat ng Ticketnet outlets (911-5555).

Show comments