Assunta nakaka-arte na!

Kung dati ay tinatawaran ang kakayahang umarte ni Assunta de Rossi at ang kanyang nakababatang kapatid lamang na si Alessandra ang maituturing na aktres sa pamilya, sa ipinamamalas na galing ni Assunta sa Lovers in Paris bilang kontrabida ni KC Concepcion, nagsisimula na siyang seryosohin hindi lamang ng mga manonood kundi maging ng kanyang mga kapwa artista. Bagay na bagay sa kanya ang role niya bilang isang beautifully but dumb Eunice, swak na swak, although nung una siyang ipakilala para gumanap sa nasabing role, tinawaran ang kakayahan niyang makumbinse ang manonood na magiging effective siyang opposite ng kinakawawang role ni Vivian (KC).

Ang maganda sa Fil-Italian actress, even with her superb portrayal of Eunice, hindi malilimitahan ang kanyang portrayal sa mga kontrabida roles.

Ang Lovers in Paris ay hudyat ng pagiging aktibong muli ni Assunta sa pagiging artista.

* * *

Pansin n’yo ba na halos lahat ng endorsements ni Sarah Geronimo ay gumagamit ng kanyang rain dance? I’m sure malaki na ang kinikita rito ng creator ng nasabing sayaw o ito ba ay nagagamit ng libre?

* * *

Hindi na talaga maaawat pa ang pagsakop ng Prince of Pop na si Erik Santos sa buong Asya. Pahahangain niya ngayong gabi ang bansang Singapore sa Boiler Room ng St. James Power House sa pamamagitan ng isang charity event. Bahagi ito sa paglunsad ng kanyang pinakabagong album na pinamagatang Erik Santos: The Jim Brickman Songbook.

 “Excited na ako talaga. Though medyo nervous rin kasi siyempre iba naman ang audience doon. But I’m really hoping that they will appreciate my music,” pahayag ni Erik.

Pagkatapos ng kanyang album launch sa Singapore, agad namang tutungo si Erik sa Japan sa November 22. Sa November 21 naman, isang concert ang inihanda ng Prince of Pop at Bossa Diva Sitti Navarro sa Aliw Theater.

Show comments