Kung darating lamang lahat ng 30 artista na makakasama sa Walk of Fame Philippines, magiging star studded ang ika-4th anniversary nito na magaganap sa December 1 sa Libis, Eastwood.
Mahirap-hirap at madugo ang pagdaragdag ng 30 pangalan pero, hindi ito maiiwasan dahil talaga namang mayroon nang napatunayan sa kanyang career ang mga bagong pararangalan at iimortalize sa pamamagitan ng paglalagay ng kanilang pangalan sa marmol at ilalagay sa pathwalk ng Eastwood Libis sina John Lloyd Cruz, Sarah Geronimo, Armida Siguion Reyna, Cherry Pie Picache, Yul Servo, Isko Moreno, Jaclyn Jose, Nonito Donaire, APO, Rey Valera, Basil Valdez, Rico J. Puno, Hajji Alejandro, Marky Cielo, Francis Magalona, Jackielou Blanco, Ricky Davao, Luis Gonzales, Jolina Magdangal, Ogie Alcasid, ,Michael V, Janno Gibbs, Aiza Seguerra, Dingdong Avanzado, KC Concepcion, Gabby Concepcion, Christian Bautista, Jed Madela, Nino Muhlach, at Jose Mari Chan.
Sayang at hindi makararating si KC, kasama ito ng kanyang ina sa Europe na kung saan mayroon silang concert. Ganun din naman si Sarah na may concert naman sa US. Pero wala man sila rito, kasama, sila in spirit sa activities.
Iniimbitahan ko kayong lahat na dumalo sa aming 4th anniversary sa Dec. l, 5:00 p.m., sa Eastwood Libis, entrance is free.
Sunshine mahihirapan nang makabalik
Hanggang ngayon marami ang nanghihinayang kay Sunshine Dizon. Hindi lahat kasi nabibiyayaan ng tulad niya sa kanyang career pero sa halip na alagaan niya ito, binale wala niya.
Akala nga ng marami, nagbalik na siya kasi nakita siya sa SOP. Hindi po, it was just a replay. Mahihirapan na siyang magbalik, for the third time. Second chance niya ang itinapon niya.
Mabilis lang ang buhay sa TV, napaka-higpit pa ng kumpetisyon. Pero walang indispensable dito, kapag nagluka-lukahan ka, sandali lamang at mapapalitan ka agad. Kaya dapat mahalin ng artista ang trabaho nila.
Christmas Id ng Kapuso, Starless
Starless ang Christmas Station ID ng GMA 7, wala ni isang artista pero, gets agad ng manonood ang napakagandang mensahe at ramdam agad ang mensahe.
Ewan ko ba, mga ganitong mensahe ang kumukurot agad sa puso ko. Siguro dahil ang mensahe ay ibahagi natin ang Pasko sa lahat, lalo na dun sa mga nawalan na ng paniniwala sa Pasko. Alalahanin mo lamang ‘yung mga nawalan ng minamahal, ng tahanan at ari-arian, paano na ang Pasko nila? Sa tulong lamang natin mabibigyan ng kulay ang dakilang araw ng pagsilang ni Hesus. Ewan ko, mas masaya ang Pasko if we can share it with the less fortunate.