^

PSN Showbiz

Sarah, KC, John Lloyd pasok sa Walk of Fame

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Kung darating lamang lahat ng 30 artista na ma­ka­ka­sama sa Walk of Fame Philippines, ma­giging star studded ang ika-4th anniversary nito na maga­ga­nap sa December 1 sa Libis, East­­wood.

Mahirap-hirap at madugo ang pagdaragdag ng 30 pangalan pero, hindi ito maiiwasan dahil talaga na­mang mayroon nang napatunayan sa kanyang career ang mga bagong pararangalan at iimortalize sa pamamagitan ng paglalagay ng kanilang pangalan sa marmol at ilalagay sa pathwalk ng Eastwood Libis sina John Lloyd Cruz, Sarah Geronimo, Armida Siguion Reyna, Cherry Pie Picache, Yul Servo, Isko Moreno, Jaclyn Jose, Nonito Donaire, APO, Rey Valera, Basil Valdez, Rico J. Puno, Hajji Alejandro, Marky Cielo, Francis Magalona, Jackielou Blanco, Ricky Davao, Luis Gonzales, Jolina Magdangal, Ogie Alcasid, ,Michael V, Janno Gibbs, Aiza Seguerra, Dingdong Avanzado, KC Concepcion, Gabby Concepcion, Christian Bautista, Jed Madela, Nino Muhlach, at Jose Mari Chan.

Sayang at hindi makararating si KC, kasama ito ng kanyang ina sa Europe na kung saan mayroon silang concert. Ganun din naman si Sarah na may concert naman sa US. Pero wala man sila rito, kasama, sila in spirit sa activities.

Iniimbitahan ko kayong lahat na dumalo sa aming 4th anniversary sa Dec. l, 5:00 p.m., sa Eastwood Libis, entrance is free.

Sunshine mahihirapan nang makabalik

Hanggang ngayon marami ang nanghi­hi­nayang kay Sunshine Dizon. Hindi lahat kasi na­bi­biyayaan ng tulad niya sa kanyang career pero sa halip na alagaan niya ito, binale wala niya.

Akala nga ng marami, nagbalik na siya kasi nakita siya sa SOP. Hindi po, it was just a replay. Mahihirapan na siyang magbalik, for the third time. Second chance niya ang itinapon niya.

Mabilis lang ang buhay sa TV, napaka-higpit pa ng kumpetisyon. Pero walang indispensable dito, kapag nagluka-lukahan ka, sandali lamang at mapapalitan ka agad. Kaya dapat mahalin ng artista ang trabaho nila.

Christmas Id ng Kapuso, Starless

Starless ang Christmas Station ID ng GMA 7, wala ni isang artista pero, gets agad ng manonood ang napakagandang mensahe at ramdam agad ang mensahe.

Ewan ko ba, mga ganitong mensahe ang kumukurot agad sa puso ko. Siguro dahil ang mensahe ay ibahagi natin ang Pasko sa lahat, lalo na dun sa mga nawalan na ng paniniwala sa Pasko. Alalahanin mo lamang ‘yung mga nawalan ng minamahal, ng tahanan at ari-arian, paano na ang Pasko nila? Sa tulong lamang natin mabibigyan ng kulay ang dakilang araw ng pagsilang ni Hesus. Ewan ko, mas masaya ang Pasko if we can share it with the less fortunate.

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ARMIDA SIGUION REYNA

BASIL VALDEZ

CHERRY PIE PICACHE

CHRISTIAN BAUTISTA

CHRISTMAS ID

CHRISTMAS STATION

EASTWOOD LIBIS

PASKO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with