Naka-move on na si Jean Garcia at ang anak na si Jennica sa nangyari sa kanila noong bagyong Ondoy, nang makausap namin si Maita Te (Jean) sa taping nila ng Stairway to Heaven sa Malolos, Bulacan. In fact, bumili siya ng bagong bahay, doon din sa lugar nila, pero sa mas mataas nang lugar.
Na-realized daw nilang material lamang ang nawala, hindi ang kanilang buhay na mag-iina at sa pagtatrabaho, mababawi raw nila iyon.
Na-save raw naman nila lahat ng gamit sa second floor, ang hindi lamang na-save ay ang dalawang kotse niya.
Mabuti na raw lamang nasa casa ang kotse ni Jennica kaya hindi ito binaha.
Inamin ni Jean na siya na rin ang sumusuko sa mga pananakit na ginagawa niya sa mga kasama niya sa soap, si Rhian Ramos, Glaiza de Castro, TJ Trinidad, at ang gumaganap na tunay na asawa niya sa story, si Soliman Cruz, na parang gusto niya, “tama na, puwede ba?” kaya lamang mas gumagrabe pa raw ang kasamaan niya.
Kahit daw nasasaktan siya, masakit daw sa kamay ang manampal.
Hindi pa raw niya alam kung masasampal din siya ni Rhian, pero si Soliman, nasampal na siya pero dinaya daw lamang nito.
So far, wala pa raw namang nananakit sa kanya sa labas, nakakarinig lamang siya ng comments na “ang bad, bad mo,” na sinasagot lamang niya ng smile.
So far, ito na raw ang pinakasalbaheng role niya, nakakapagod pero very challenging.
Alamin daw ang mas matitinding eksena lalo na ngayong nagbalik na ang memory ni Jodi (Rhian).
Looking forward na siya sa muli nilang pagsasama ni Jennica sa SineNobelang, Ina, Kasusuklaman Ba Kita ng GMA 7 next year.
Ginagawa niya ngayon ang festival entry na Ang Darling Kong Aswang.
Mapapanalunang P1 million ni Jomari didiretso sa mga taga-Pangasinan
Maraming kaibigang tumutulong kay Jomari Yllana na manalo sa live grand finals ng Celebrity Duets 3 bukas, na mapapanood after ng Pinoy Records.
Kung mananalo kasi si Jom, ang P 1million cash prize na makukuha niya ay buo niyang ibibigay kay Archbishop Soc Villegas ng Pangasinan para sa mga nasalanta ng bagyong Pepeng sa Dagupan.
Nakita ni Jom ang sinapit ng Dagupan nang personal siyang naimbitahan ni Archbishop Soc nang i-ordain ito two weeks ago.
Si Bishop Soc ang nagkasal sa kanila ni Aiko Melendez at siya ring nagbinyag sa anak nilang si Andrei.
Siya rin ang naging spiritual adviser ni Jom noong time na kailangan niya ng advice. Kaya sa mga fans and televiewers na gustong tulungan si Jom na manalo, mag-text ng DUETS (space) JOMARI sa 2344 for Globe and Sun Cellular at 367 to Smart and Talk ‘N Text.