Gina Alajar proud na hindi nagmana ang mga anak kay Michael de Mesa

Magkasama ang mag-inang Gina Alajar at Geoff Eigenmann sa Carinderia Queen episode ng SRO Cinemaserye Presents na magpa-pilot sa Thursday, Nov. 12 at mag-ina rin ang kanilang role. Very proud ang aktres sa anak dahil keri mag-comedy at sa nakikita niya, malaki ang improve­ment nito sa acting pati sa delivery ng lines.

Pinag-blush ni Gina ang anak sa hirit niyang “ipi­­nag­mamalaki ko sa mga anak ko na walang nagmana sa ama nila.” Naging seryoso naman ang aktor nang banggitin ng ina na takot siyang magkarelasyon sila ni Carla Abellana dahil baka magka­selosan at masira ang kanilang friendship. Ang alam niya, mahal ni Geoff si Carla pero wala pang relasyon ang dalawa.

Samantala, ibinalita ni Gina na muling ipa­lala­bas ang Ded na si Lolo sa Nov. 13 o 15 sa PETA Theater para makadagdag sa pondo na gagamitin sa kampanya para makapasok na finalist ang pelikula sa best foreign language film sa Oscars. Nag-iisip din sila ng ibang fund-raising activities dahil hindi sila mabibigyan ng pondo ng gobyerno.

Tsugi si Gina sa Celebrity Duets 3 at hindi nakasama sa Final 3. Hindi si Joel Cruz o si Jomari Yllana ang gusto niyang manalo, kundi si Akihiro Sato para makatulong sa career nito. Wala raw personalan ang choice niya at ’di dahil nabalitang may rift sila ni Joel.

* * *

Kung ikakasal ngayon sina Candy Pangilinan at direk GB Sampedro, siguradong isa sa mga ninong si Joseph “Erap” Estrada. Naging close si Candy kay Erap sa shooting ng Ang Tanging Pamilya ng Star Cinema at hanggang sa presscon, nagagawa niyang biruin si Erap na smile lang nang smile sa mga hirit ni Candy.

Engaged na nga si Candy at sa nasabing presscon, suot nito ang 1.9 carat na engagement ring na bigay ng director-boyfriend. ’Kaloka lang ang dalawang ito dahil noong Nov. 1 pala nag-propose ng kasal si Direk GB habang nasa Tagay­tay sila. Wala kayang mga kaluluwa sa paligid nila habang nagaganap ang proposal?

* * *

Nadagdagan ang mga guys na nagkaka-inte­res kay Glaiza de Castro dahil after Patrick Gar­cia, si Jace Flores ang nagka-crush sa dalaga nang magkasama sila sa Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin. Hindi lang itinuloy ni Jace ang panliligaw sa aktres dahil nakitang sobrang busy ito sa dami ng project at hindi dahil natakot siya kay Patrick.

Nilinaw din ni Jace na ’yung ipinabili niyang pizza noong nasa taping sila ay hindi lang para kay Glaiza, kundi sa lahat ng nasa taping. Pero inaming kundi nagparinig ang make-up artist ng ak­tres na gusto nitong kumain ng pizza, hindi siya magpapabili.

Kontrabida na naman si Jace sa SRO Cine­maserye Presents…Carinderia Queen at kahit enjoy siyang maging bad guy, wish pa rin niyang mabigyan ng bida role with Glaiza as his partner?

* * *

Ang ganda ng episode this Tuesday sa Full Time Moms dahil pag-uusapan ng mga hosts na sina Suzi Abrera at Christine Jacobs ang music therapy. Makakatulong nila sa pagpapaliwanag sa word of healing thru music sina Jaya, Gretchen Espina, at Gian Magdangal.

Napapanood ang Full Time Moms, Monday to Friday, 7:30-8:30 PM sa Q Channel 11. Araw-araw, magagandang topic ang pinag-uusapan sa show na makakatulong sa mga ina.

Show comments