Rejoice to the max ang stars at staff ng Stairway to Heaven dahil umabot sa 35.6% ang rating ng kanilang show noong Biyernes.
May katuwiran na matuwa ang bumubuo ng Koreanovela dahil pataas nang pataas ang rating ng bumobongga na TV show nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos.
Ngayon ko gustong marinig ang mga sinasabi ng mga detractors na walang chemistry sina Dingdong at Rhian kaya hindi magre-rate ang Stairway to Heaven. Mali ang kanilang akala at malinaw na pruweba ang pataas na rating ng primetime show ng Kapuso.
* * *
Marami na rin ang naghihintay sa airing ng Full House nina Richard Gutierrez at Heart Evangelista.
Kagaya ng Stairway to Heaven, hit na Korenovela na ipinalabas sa GMA 7 ang Full House kaya sure ako na makakakuha rin ng mataas na rating ang bagong primetime show nina Richard at Heart.
Sosyal ang cast ng Full House dahil pupunta sila sa ibang bansa para kunan ang mga importanteng eksena.
* * *
Ang sipag ni Papa Joseph “Erap” Estrada na mag-promote ng Ang Tanging Pamilya. Umapir siya sa ASAP dahil kinantahan niya ang kanyang leading lady na si AiAi delas Alas at live ang guesting niya sa The Buzz.
Pinaiyak ni Papa Erap si Kris Aquino dahil inulit niya ang kuwento nang pag-uusap nila ni Mama Cory Aquino noong ito pa ang presidente ng Pilipinas. Si Papa Erap ang isa sa mga hiningian ni Mama Cory ng payo tungkol sa pag-aartista ni Tetay. Kung hindi siguro sa encouragement at positive words ni Papa Erap, baka hindi pinayagan ni Mama Cory na mag-artista si Kris.
* * *
Heto ang e-mail na natanggap ko mula sa isang fan ni Lorna Tolentino na wondering kung natanggap ng ABS-CBN ang donasyon na ipinadala nila para sa mga biktima ng mga bagyo na nanalanta sa ating bansa. Ni-reprint ko ang e-mail para malaman ng kinauukulan ang message na kanyang gustong iparating.
Sure na sure ako na may aksyon na gagawin ang staff ng Sagip Kapamilya para maging panatag ang kalooban ng nagpadala ng e-mail:
“Nagpadala kami dito sa UK, mga fans ni LT sa Sagip Kapamilya through ABS-CBN London Limited, a total of P37,498.00 at dala namin bilang donor ang Loyal TFC Fans of Lorna Tolentino.
“Hindi ko naman hangad na ma-publish ang name ko. Gusto ko lang malathala na ang fans ni LT ay mababait din pero alam mo, nag-send ako ng e-mail sa Sagip Kapamilya pero isang beses lang nag-reply si Cecille. Walang kumpirmasyon na natanggap nila ang money.
“Nanood kasi ako ngayon ng The Buzz at nai-announce doon ang mga nag-donate. Gusto ko lang naman na ma-acknowledge kami na fans ni LT na nag-donate rin para sa typhoon victims.
“Ipinadala ko po ang money noong October 9, 2009. Until now, wala pa rin akong narinig mula sa kanila. Ang receipt number ko po is BEL25012. Huwag n’yo na po i-mention ang name ko. Fan of LT na lang po.
“Please, ma-confirm lang po sana kung natanggap nila ang money. ‘Yun lang po ang makapagpapasaya sa amin, ang ma-acknowledge ang fans ni LT, around the world.”