MANILA, Philippines - Parang gustong tumalon ng boobs ni AiAi delas Alas sa kanyang dance number kahapon sa ASAP. Grabe, anong binatbat ng mga boldstar sa boobs niyang parang gustong kumawala.
In fairness, sexy pa rin si AiAi at magaling sumayaw.
Kaya nang sorpresahin siya ni Erap sa kanyang birthday celebration sa nasabing noontime show ng ABS-CBN, kita sa TV na hindi naiwasan ng dating presidente na sulyapan ang dibdib ni AiAi. Though nakasalamin naman si Erap kaya baka naman namalikmata rin lang kami.
Si Mommy Dionisia, agaw eksena sa kanilang dance number with Toni Gonzaga and AiAi.
Pero bakit ganun bulong nang bulong sa kanya si Candy Pangilinan after ng dance number nito with Toni and AiAi.
Parang dinidiktahan daw nito na para bang hindi nito kayang magsabi ng tama kaya kailangang bulungan.
Anyway, malaking factor si Mommy Dionisia sa Ang Tanging Pamilya dahil talagang nakakatawa siya.
* * *
Nakakatuwa si Regine Velasquez. Very proud siya kay Sarah Geronimo.
“I’m happy for Sarah last night, and a proud mama, lol :-) she owns the night!about,” tweet ni Regine.
Tweet naman ni Anne Curtis : “Bow ako kay Sarah G! She is the biggest star of this generation! May it be acting, dancing&SINGING she shines! I’m proud of my co-viva sis!”