Ngayong nasa second season na ang Late Night Trip ng TV5, stronger and tougher ang programming nito dahil mas dynamic ang mga show nito simula ngayong Nobyembre with fresher offerings and two new shows entitled Sabado Boys, hosted by the country’s top male pop artists, at ang eksplosibong mundo ng bakbakan sa URCC TV, palabas na this week tuwing 11:30 pm.
Hosted by top musicians Luke Mijares, Mike Chan, DJ Myke, Paolo Santos, Top Suzara at Jimmy Bondoc, isang variety show ng music at smooth-flowing act ang hatid ng Sabado Boys, na may new hit program na umeere naman sa radyo. Although it airs on a Tuesday evening, the show exudes great relaxation mood with its musical features, performances, at mga album review na minatch pa sa beach location ng show na perfect for a chillout Saturday getaway.
Tuwing Huwebes naman, patok ang interes at hilig ng mga Pinoy sa bakbakan dahil palabas ang fastest-rising full-contact combat sport na Universal Reality Combat Championship TV (URCC TV) hosted by URCC Founder, President, at MMA expert na si Alvin Aguilar.
Featuring the local Mixed Martial Arts (MMA) community at ang de-kalibre nitong fighting events at activities, mapapanood sa URCC TV ang mga umaatikabong laban ng mga malulupit na martial artists, pati na rin ang mga champion fighters na magtuturo ng mga technique, perceptive at insightful analysis tungkol sa iba’t ibang disiplina ng MMA na knockout sa panlasa ng mga palabang Pinoy sa buong mundo.
* * *
May kasabihan na ang mga bata ay hindi marunong mag-sinungaling. Ngunit kung may nagawa silang mali, maging tapat pa rin kaya sila?
Kahapon sa Kulilits, nasubok ang katapatan o honesty nina Chacha Cañete at Izzy Canillo matapos nilang masira ang laruang eroplano ng kalarong si Bugoy Cariño.
Sa una, ililihim ng dalawa ang nagawa pero matapos pakinggan ang kuwento tungkol sa mga bata at iba pang kahanga-hangang taong naging tapat, naengganyo ang dalawa na magsabi ng totoo.
* * *
Ang inaabangang ika-limang season ng reality-based artista search StarStruck ng GMA 7 ay mapapanood na mamayang gabi (Nov. 8) kasama si Dingdong Dantes sa espesyal na TV primer, ang tinatawag na The Strikeback.
Ang StarStruck V: The Strikeback ay isang oras na paunang palabas na magbabalik-tanaw sa mga alumni ng programa sa loob ng apat na taon. Ipapakita rito ang mga pinagdaanan ng bawat survivor at kung sila ba ay naging matagumpay pagkatapos ng karanasan sa talent search.
Ang season na ito ang pinakamalaking proyekto ng StarStruck dahil naghanap pa talaga ang programa ng mga Filipino aspirants sa ibang bansa. Kaya narito na ang inaasahang excitement, drama, at energy mula sa TV viewers na matagal nang hinihintay ang pagbabalik ng popular na original artista search.
Sino kaya ang angat sa libu-libong pumila sa iba’t ibang parte ng mundo? Sinu-sino ang mga maiiwan para pagpilian sa Final 14?
Ang StarStruck V: The Strikeback ay mapapanood ngayong Linggo, pagkatapos ng Kap’s Amazing Stories sa Kapuso Network.
* * *
Matagumpay na idinaos ang ika-13 Hair Olympics ng Asia Pacific Hairdressers and Cosmetologists Association sa Philtrade Center sa Pasay City noong October 21, 2009.
Dumalo at nanguna sa ribbon-cutting ng okasyon ang Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na nagpahayag ng paghanga sa kakayahan ng mga lumahok mula sa Korea, China, Macau, Hong Kong, Japan, Thailand, Singapore at Pilipinas. Nasa larawan (left to right) sina DOLE Sec. Marianito Roque, Tarlac Rep. Monica Louise P. Teodoro, PGMA, Ricky Reyes at iba pang leader ng ibang kalahok na bansa.
Si Jackie Rivera ng RP ang itinanghal na over all champion kasama nina Jimmy Catalan RP 1st runner up, Li Xin Liang - China 2nd runner up at Ho Yuan Liang China 3rd runner up. Ang nanalo sa (1) Commercial Make UP ay sina Jung Hoo Kwon Korea champion, Chiao Chu Kao Taiwan 1st runner up, Jackie Rivera RP 2nd runner up at Stephanie Ilagan RP 3rd runner up.
Mapapanood ang buong kaganapan sa Life and Style with Gandang Ricky Reyes 10:00-11:00 ng umaga ngayong Linggo sa QTV-11 kung saan tampok naman sa segment na Glitters hosted by Linabelle Villarica ang jewelry and accessories designer na si Arnel Papa na magsasalaysay ng kanyang buhay, inspirasyon, pinagsimulan ng talento at kung paano siya nagsimula sa negosyong ngayo’y matagumpay na.
Ringtones sa cellphone unlimited na rin!
Narito na ang mas malaki at mas exciting na treat mula sa Sun Cellular. Ngayon hindi lang call and text ang mai-enjoy mo dahil pati mga ringtone, unlimited na rin.
Sa halagang P5 lang, makakapag-download ka na ng mga hit na hit na tones ngayon, valid for 24 hours. Sulit na sulit. Upon loading Unlitones, makakatanggap ka ng listahan ng mga tones na puwede mong ma-download. Mapasenti man o rock, local o foreign tones, meron dito. Simpleng-simple di ba? Kaya’t tara na. Punta na sa iyong suking Xpress Load at mag-load na ng Unlitones.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Unlitones at iba pang value added services ng Sun Cellular, mag-text lang ng GET IT sa 2300 o tumawag sa hotline 200 gamit ang iyong Sun phone, o 395-800 sa kahit anong landline. You may also visit www.suncellular.com.ph for other promos and services.