Mabait na kapatid si Kris Aquino dahil sa puspusang pagtulong sa kapatid na si Noynoy Aquino para sa pagtakbo nitong pangulo ng bansa. Ang TF sa kanyang 555 endorsement ay hindi nahawakan ng actress/TV host.
Tinanggap din ni Kris ang isang teleserye na magtatampok kina Albert Martinez bilang kapareha, gayundin bilang co-stars sina Kim Chiu at Gerald Anderson.
Sa kabilang banda, si Kris ang magpapauso ng Give Me 555. Kaya naitanong sa kanya ang tatlong bibigyan niya ng Give Me 5.
“Una si James dahil sa pagiging maunawain niya sa akin. Hindi naman napupulot ang pera, pinaghihirapan ito kaya naintindihan niya ang pagtulong naming magkakapatid sa kandidatura ni Noy.
“Ikalawang bibigyan ko ng Give Me 5 sina Angel Locsin at Anne Curtis dahil sa pagiging sobrang matulungin nila sa mga biktima ng bagyong Ondoy. Nakakabilib na nakalikom sila ng $18,000 dahil sa kanilang proyektong pantulong sa mga kababayang sinalanta ng bagyo at baha.
“Ikatlo, na-touch ako sa mga taong dumalaw sa aking mga magulang sa sementeryo. Nanggaling pa sila sa malalayong probinsiya para lang dumalaw sa puntod nina mommy at daddy,” sagot ni Kris.
* * *
Puro matataba at bigatin ang magsasayaw ngayong Linggo sa Shall We Dance? ni Lucy Torres-Gomez sa TV 5. Maglalaban-laban ang mga singers na ito para yanigin ang dance floor.
Guests sina Marissa Sanchez, Eva Castillo, at si Led Sobrepena ng The Singing Bee.
May bagong pa-contest na i-introduce sa Linggo para sa matatabang gustong pumayat sa kasasayaw.
* * *
Personal: Ipinamamahagi na ngayon ang medical at dental card ng Movie Writers’ Welfare Foundation (MWWF) sa iba’t ibang organization gaya ng Philippine Movie Press Club (PMPC), Entertainment Press (ENPRESS), at Movie Press Photographers of the Philippines (MOPPAP).
Makipag-ugnayan lang sa inyong lingkod. Tumatanggap na ng mga bagong miyembro ang MWWF at pumunta lang sa opisina sa 131 Pacific Corporate Center Rm. 601 West Ave., EDSA, Q.C. mula 3:00 hanggang alas-5:00 ng hapon.