Rhian nahihirapan kay Jodi

MANILA, Philippines -  Marami ang hindi nag-akala na nang pumasok sa showbiz si Rhian Ramos ay magiging isa siya sa mga best bets ng GMA 7.

Pero nakita ang kanyang pagiging star material talaga. Sa katunayan, ang lady executive mismo ng Channel 7 na si Atty. Annette Gozon-Abrogar ang nakapansin kay Rhian sa isang TV commercial ng fastfood chain noon at ang suwerte niya ay nang alukin agad para maging leading lady ni Richard Gutierrez sa Captain Barbell.

Nagsilbi itong malaking acting break ng batang aktres para mapansin ng mga hurado sa   21st Star Awards for Television dahil naging nominado siya bilang best new female TV personality at sa Golden Screen Awards naman noong 2007 ay nominado siya sa breakthrough performance category.

 Sumunod ang marami pang assignments kay Rhian nang gawing exclusive talent na siya ng GMA 7 sa kanilang GMA Artist Center (GMAAC) na pinangu­ngunahan ng vice president sa Talent Development and Management department na si Ida Ramos Henares na nagkataon namang tita niya.

 Ang ikalawa niyang team up kay Richard ay sa Lupin. Dalawang primetime projects pa kasama ng matinee idol ang sumunod — Codename: Asero and Zorro.

Nagkaroon ng following si Rhian na nagustuhan ang Barbie Doll features at magalang na personality, kaya dumating ang drama series na My Only Love, hango sa isang pelikula ni Sharon Cuneta.  

Ang malaking proyekto na solo ni Rhian ay dumating noong isang taon sa biggest break niyang La Lola kapareha ni JC de Vera.

Sa kasalukuyan, siya si Jodi sa Koreanovela na Stairway to Heaven na ang malaking aktor ng GMA 7 naman ang leading man, si Dingdong Dantes. Lumabas ang class na chemistry ng dalawa sa boobtube.

Hindi lamang sa telebisyon lumabas ang young actress dahil naisama rin siya sa The Promise, Ouija, My Monster Mom, Italy, at Sundo. At sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Disyembre, si Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. naman ang makakapareha ni Rhian sa remake ng legendary action character, Ang Panday.

Kaka-19 years old lang ni Rhian pero heto’t recording scene naman ang na-invade niya. Kamakailan ay nai-launch niya ang NMI project na Audition Dance Battle debut album mula sa Bellhaus Entertainment.

“I am thankful, very much so, when people take notice of the hard work I put into my craft,” ang sabi ni Rhian sa mga pumupuri sa kanyang achievements.

Aminado ang dalaga na pinakamahirap ang drama niya sa Stairway to Heaven dahil ito ang pinaka-challenging ngayon sa kanya bilang aktres.

“It’s physically and emotionally demanding to play Jodi. Marami na akong karakter na pinagdaanan sa mga dati kong palabas. Sa La Lola nga eh I was made to act like a man, pero comedy iyon,” sabi ni Rhian. “Playing Jodi is the hardest for me kasi I have to do heavy drama in most of the scenes.”

Isang “exciting experience” din, aniya, ang makatambal si Dingdong na gumaganap din sa madramang karakter bilang si Cholo.

Dagdag pa ni Rhian, “I appreciate the fact that he is a very passionate actor and that works very well with me. Kaya I give my best shot talaga every time I act with him because he gives his all. I cannot give anything less.”

Dahil unti-unti nang napapatunayan ni Rhian ang kanyang halaga bilang aktres, naging effective endorser na rin siya ng Belo Medical Clinic, Carefree, B Club, Sabella, Hang Ten, Fusion Excel, at Clear. Ang GMAAC ngayon ang nakikipag-negotiate sa iba pang dumarating na endorsement deals para sa young actress.

Isa lang ang masasabi ng mga nakakatrabaho niya : “Rhian is a real pro and it is so nice working with her. She is very nice and very, very professional.”

Show comments