Robin matagal nang hiwalay sa asawa

Seen : Nainis ang entertainment people dahil late na dumating si Yeng Constantino sa presscon ng kanyang record album noong Miyerkules. Hindi nag-apologize si Yeng sa mga reporter na kanyang pinaghintay.

Scene : Hindi ikinagulat ng showbiz press ang pag-amin ni Robin Padilla na hiwalay na sila ni Leizl Sicangco dahil noon pa man, umii­was na siya na pag-usapan ang kanyang asawa.

Seen : Sina Krissa Mae Arrieta at Jay-R sa isang Japanese restaurant sa Morato noong Huwebes ng gabi. Hindi na nila inililihim ang kanilang relasyon.

Scene : Marami sa mga Kapamilya stars ang wala sa magandang Christmas station ID ng ABS-CBN.

Seen : Pareho na nang hosting style sa PBB Double Up nina Mariel Rodriguez at Bianca Gon­zales. Malakas ang impluwensiya ni Mariel dahil nagagaya na ni Bianca ang kanyang kilos at pagsasalita sa uplate edition ng PBB.

Scene : Sold-out ang tickets para sa Record Breaker concert ni Sarah Geronimo na gaganapin mamayang gabi sa Araneta Coli­seum. Nagpapasalamat si Sarah sa kanyang fans na bumili ng tickets.

Seen : Ang mala-kurtina na damit kahapon ni Donita Rose sa Umagang Kay Ganda. Certified fashion victim si Donita.

Scene : Ngayon ang libing sa Loyola Memorial Park ( Marikina City ) ng mahal na ina ni Roderick Paulate. Isang lihim ni Roderick ang ipi­nagtapat niya sa kanyang ina bago ito nagpaalam.

Seen : Pinaglaruan si Dionisia Pacquiao sa publicity photo/pictorial ng Ang Tanging Pa­milya.

Show comments