Pasalove ng Kapuso lalabas na
MANILA, Philippines - Ngayong panahon ng Kapaskuhan, ilulunsad ng Kapuso Network ang station ID na humihikayat, kumikilala at nagdiriwang sa kakayahan ng mga Pinoy na magbahagi ng pag-ibig. Ang kakayahan ng mga Pilipinong magbahagi ng pagmamahal sa kapwa sa kabila ng matitinding kalamidad ay isang malaking dahilan kung bakit nalalagpasan ng mga Pinoy ang mga pagsubok at lalo pang nagiging matatag pagkatapos ng unos.
“Our village was affected by the flooding. I saw how neighbors and complete strangers risked their lives to help others. I experience pasalove firsthand that’s why the message of the SID is very real to me,” ani Paul Ticzon, GMA AVP for Post Production Operations Division at Director ng proyekto.
Ang Station ID na pinamagatang Sama-sama Tayong Magpasalove, ay nagbibigay-pugay sa buhay ng mga manonood na patuloy na nagbabahagi ng pag-ibig.
Ang proyekto ay binuo ng creative team nina GMA VP program support Regie Bautista, associate creative director Armie Herrera, writer Sarah Manila, writer- lyricist Candy de los Reyes, artists Leo Alvarado and Manuel Edralin, senior project manager Hasmin Marable, at project manager Minette Lopez. Ang musika ay gawa ni Cecille Borja at inawit ng La Diva member na si Aicelle Santos.
Si multi-awarded cinematographer at GMA VP for post production Ding Achacoso ang director ng photography, si Ingrid Navarro ang producer, si Vince Gealogo ang tumayong assistant director at si Rodell Cruz ang production designer. Ang post production pool ay kinabibilangan nina Allyn de Ocampo, Javier Delgado, at John Paul Arrojado.
Ilulunsad ang Station ID sa Eat Bulaga ngayong Sabado.
- Latest