MANILA, Philippines - Sunud-sunod na trahedya at kalamidad ang dumagok sa ating bansa. Karamihan sa ating mga kababayan ay hindi pa nakakaahon sa pinsalang dulot nito. Sa kabila ng mga nangyari, meron kang makakapitan kaibigan.
Nandito ang The 700 Club Asia para magbigay ng inspirasyon at pag-asa. Simula November 9 hanggang 13, alas-onse ng gabi sa QTV, mapapanood ang live TV special na pinamagatang Kapit-Bisig Sa Pag-Ahon.
Sa loob ng limang gabi, masasaksihan ang natatanging programa na handog ng The 700 Club Asia. Subaybayan ang bawat gabing puno ng mga istorya ng pagpapala, pag-asa, inspirasyon at ng himala ng Diyos.
Manuod at alamin ang bagong pag-asang naghihintay sayo at tanggapin ang mga nag-uumapaw na pagpapala mula sa Diyos.
Sa November 9, samahan ang mga hosts na si Peter Kairuz, Coney Reyes Kata Inocencio, at Felichi Pangilinan-Buizon at manuod ng The 700 Club sa QTV 11, 11:00 pm. Sama-sama tayong magKAPIT-BISIG SA PAG-AHON!
The 700 Club Asia also airs regularly every 11 p.m. on QTV in these channels — Free TV Ch. 11, Ch. 27 in Cebu/Davao, Ch. 24 via SkyCable, Ch. 15 via Destiny Cable, and Ch. 19 via Sun Cable. It also airs over Skycable Ch. 2 in Cebu from Mondays thru Fridays at 7:00 p.m.