Pag-ibig sa hindi tamang panahon ni Derek

MANILA, Philippines - Tamang pag-ibig sa ‘di tamang panahon - dito iikot ang kuwento ngayong Linggo sa Your Song Pre­sents tampok ang real-life sweet­hearts na sina Angelica Pa­nganiban at Derek Ram­say.

Nang tanu­ngin ang mag­kasin­tahan kung nara­na­san na ang ganitong kala­gayan, pabirong sagot nina Angelica at ni Derek, “Ayaw namin ng gan­yang sitwasyon. Buti na lang right love at the right time kami (laughs).”

Ang kuwento ay magsisimula sa isang ba­baeng nagngangalang Tammy (Angelica). Ma­saya si Tammy sa kanyang buhay bilang career woman.

Pero isang kaganapan ang mag-uuntog sa kanya sa katotohanan. Oo nga’t matagumpay siya pero wala naman siyang lovelife. Sa pag-usad ng istorya, makikilala niya si Ralph (Derek Ramsay) at lubusang mahuhulog ang loob ng dalaga sa lalakeng inaakala niyang si Mr. Right. Ngunit isang rebelasyon ang kanyang matutuk­lasan na mag­babago sa kanilang relasyon.

Show comments