^

PSN Showbiz

Tambayan 101.9 pasok sa buong tropa

-

MANILA, Philippines - Mag-enjoy habang ginagawa ang iyong trabaho, gawaing bahay, at kung anu-ano pa sa pinakabagong tambayan sa radyo na tiyak pasok sa trip mo at ng buong tropa — ang Tambayan 101.9!

Pormal nang inilunsad ng ABS-CBN ang kanilang bagong bihis na istasyon sa radyo sa isang trade event na naganap noong Miyerkules ng gabi.

Makisaya at maki-emote sa saliw ng soundtrack ng buhay mo kasama ang mga kabarkada mong DJ’s na sina Martin D, China Heart, Laila, Ric Rider, R-Nold Rei, Cha-Cha, Jack Melo, Reggie Valdez, Billie, Toni, at mga bagong Kapa­milya na sina Charlie, Onse, Jasmin, at Fiols.

Makiuso rin sa pinakabagong mga tugtugin at maki-bonding habang tuma­tambay sa pamamagitan ng panibago nilang segment tulad ng Debatehan sa Tambayan, Mga Tambayers, Tambayan Showdown, Textpren, Ano Meron? at DJ Wannabe’s. May mga bibisita ring mga celebrity guests linggu-linggo para makigulo at sagutin ang inyong mga katanungan.

“Tulad ng pakiramdam kapag tumatambay ka kasama ang mga kaibigan mo, at home at komportable kayo sa isa’t isa kasama ang Tambayan 101.9. Walang hiya-hiya at puwede kang magpakatotoo lang. Ang mga DJs namin ang magiging kabarkada mo na makikisabay sa kung ano ang trip mo,” sabi ni station manager Eli Bruce Capuyan.

Para mas masulit pa ang inyong oras sa Tam­bayan 101.9, hindi mo lamang sila mapa­pakinggan kung hindi mapapanood n’yo na rin sila online sa Tambayan TV via www.­tam­bayan1019.com. Tung­hayan live na live ang mga kulitang mangyayari sa loob ng radio booth ka­sabay ng iba pang im­por­masyon tulad ng mga trivia, public service announcements, job vacancies, atbp.

Mapapakinggan mo na rin sila gamit ang HD radio sa Tambayan HD kung saan mas malinaw ang re­ception at may dalawang dagdag na istasyon pang pu­wedeng pagpilian maliban pa sa live feed ng Tambayan 101.9.

Hindi pa tumitigil ang mga sorpresa ng Kapamilya dahil isang album din ang ilalabas nila sa taong ito na siyang magbabalik tanaw sa 12 makulay na taon ng 101.9 sa ere. Aawitin nina Erik Santos, Aiza Se­guer­ra, Paraluman, Juris of MYMP, 6CycleMind, Moonstar 88, Toni Gonzaga, Bugoy Drilon, at iba pa ang mga numero unong kanta sa bawat taon ng istasyon simula 1996.

Tumutok na araw-araw sa pinakabagong tamba­yan sa radyo, ang Tambayan 101.9!

vuukle comment

AIZA SE

ANO MERON

CHINA HEART

ELI BRUCE CAPUYAN

ERIK SANTOS

JACK MELO

MARTIN D

SHY

TAMBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with