Ruffa pumalag nasa kadaldalan ni Kris; Staff ng SOP na nagbantang magre-resign, hinamon ng top execs ng GMA

 “After my shoot for Ukay-Ukay episode of Shake, Rattle & Roll XI ended at 7:00 AM today (Wednesday) I dropped Lorin to school. On the way, in the car, nagkuwentuhan kami. About school, her lessons for the day.

“I asked her who her favorite classmates were. She mentioned several names as I was almost dozing off in the car sa antok, kasi galing nga ako sa shooting. I kinda woke up when I heard Lorin say, ‘She died.’

“I said, ‘Huh? Who died?’

“Lorin : Her mom.

“Ruffa : Whose mom???

“Lorin : Alexi’s mom died, Mommy. Alexi Binay. She’s 7 years old, 1 year older than me. My classmate at Repertory Philippines, remember?

“Ruffa: (stunned silence and wide awake) Yes, I remember. That’s so sad, Lorin. Why, what happened to her???

“Lorin : She died while giving birth 3 months ago. She had to choose between saving her own life and her baby’s life. She chose her baby’s life. Alexi’s mom was beautiful with long hair. Her grandpa is Mayor Jejomar Binay. Isn’t that so sad Mommy?

“This is a true story,” mahabang kuwento ni Ruffa sa text sa kanyang publicist na si Jun Lalin.

Pero hindi doon natapos ang kuwento ni Ruffa sa text.

 “My conversation with Lorin may mean nothing to you but it left me speechless and in tears.

“On that note, I’d like to appeal that all the teasing to Councilor JunJun Binay, whom I’ve only met once and spoken a few words to when I registered in Makati last week, to stop.

“The slightest insinuation of me and the councilor is not only disrespectful to the memory of his dear wife who recently passed away but is something that’s not true.

“Same thing with Senator Noynoy Aquino. No more teasing as he is currently in a relationship.

“There will always be speculations when it comes to my personal life which I’m trying to keep private. This much I can share... I am super happy now with life, work and most especially with my angels.

“I am whole and happy on my own. God bless us all!”

Very touching.

Kay Kris Aquino nag-umpisa ang kuwento. Nirereto niya si Ruffa sa anak na councilor ni Mayor Binay na si JunJun. Hindi niya sinabi noong una ang pangalan pero madaling nahulaan dahil kagagaling lang nila noon sa Makati kung saan si JunJun ang tumulong para hindi sila pumila habang nagpapa-rehistro.

After pa nilang magpa-rehistro, inilibre pa sila ni JunJun sa Tony Rama, isang mamahaling restaurant sa Makati. Grupo sila, 45 lahat.

Wala naman sigurong masamang ireto pero yun nga kamamatay lang ng asawa ni JunJun at parang hindi naman tama na gusto mo agad magka-GF ang isang kababalo lang kahit sabihin pa ni Kris na hindi pa naman ngayon.

Kawawa rin si Shalani Soledad na girlfriend ni Noynoy na inirereto rin ni Kris kay Ruffa na I doubt kung may patutunguhan dahil hindi itinatago ng actress/TV host na meron siyang inspirasyon.

Saka isang source ang nagsabi noon na bongga ang mga manliligaw ni Ruffing. Ang isa ay may-ari ng eroplano na dumayo pa dito para bisitahin siya.

Anyway, wait tayo kung magri-react si Kris sa panawagan ni Ruffa na tantanan na siya ng mga pagrereto na nag-umpisa sa co-host niya sa The Buzz. 

* * *

Handang-handa na si Sarah Geronimo para sa kanyang Record Breaker concert bukas ng gabi sa Araneta Coliseum.

“Kinakabahan na po ako. Pero excited din po ako dahil matagal ko itong hinintay,” sabi ng box office queen.

Grabe raw ang ginawa niyang preparation sa nasabing concert.

Todo-work out daw ang ginawa ni Sarah para maging sexy sa kanyang mga dance numbers lalo na nga’t makakasama niya sina Billy Crawford, Luis Manzano, Vhong Navarro, Christian Bautista and Charlie Green.

“Kailangan pong makipagsabayan ako sa kanila,” pa-humble na sabi ni Sarah.

Pero kumpara sa naunang tatlong beses na concert niya sa nasabing venue, mas bongga raw itong Record Breaker. “Todong-todo na po ito,” dagdag niya.

Ayon kay Mr. Vic del Rosario ng Viva Concerts, last week pa naubos ang tickets. “Pag nag­benta pa, SRO na,” sabi ng big boss ng Viva.

Nauna nang nangako si Direk Rico Gutierrez na kakaibang Sarah ang mapapanood sa concert. “We will make her another Celine Dion,” say ng director.

Balita rin ni Boss Vic na mabenta ang Christmas album ni Sarah na two weeks ago lang inilabas sa mga record bars.

Anyway, dedma naman ang kampo ni Sarah sa mga sinasabi ng mga fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Pero bakit balitang may isang young actor na pursigido ang panliligaw kay Sarah.

* * *

Dini-dare daw ng isang top exec ng GMA 7 ang banta ng ilang staff ng SOP na magri-resign sila bilang pakikisimpatya sa tsinuging executive producer ng programa na si Perry Lansigan na manager din nina Dingdong Dantes and Angelika dela Cruz.

Nabasa raw kasi nang nasabing top executive ng GMA 7 ang nasulat na magma-mass resignation sila. Say ng source, hindi takot ang top executive ng GMA dahil ang daming walang trabaho.

At nang kausapin ng source ang isang staff ng noontime show ng GMA 7, nag-deny din daw itong may plano silang mass resignation.

Iilan lang daw ang nakikisimpatya sa manager ni Dingdong.

Show comments