MANILA, Philippines - Sayang, binigyan na si Yeng Constantino ng tsansa na mai-promote ang kanyang ikatlong album na Lapit, pero kakaloka, mahigit dalawang oras siyang late sa sarili niyang presscon.
Imagine, 11 am ang call time niya pero past 1 pm na kumakanta pa lang siya.
Maganda pa naman ang mga kanta niya sa nasabing album.
Pansamantalang namahinga sa recording scene si Yeng.
Umamin ang tinaguriang Grand Star Dreamer ng Pinoy Dream Academy season one na dumanas ito sa tinatawag na writer’s block kaya naman nahirapan siyang sumulat ng mga kanta agad-agad.
“Nagka-writer’s block ako talaga. Ang tagal din bago ako naka-recover. Sobrang na-pressure ako pagkatapos ng mga hit singles ko,” sabi ni Yeng.
Pero hindi siya nagpatalo sa nararamdaman.
Isa sa mga nagsilbing inspirasyon kay Yeng para ituloy ang ikatlong album ay si Raymund Marasigan, ang dating drummer ng bandang The Eraserheads at vocalist na ngayon ng Sandwich.
“I was the one who asked Raymund to produce my next album. I am a big fan of his. He taught me how to have fun while still being serious on my career,” natutuwang sambit ni Yeng. “Natatahimik talaga ako kasi ang gaganda ng mga ideas niya.”
Nang tanungin kung bakit Lapit (under Star Records) ang titulo ng kanyang album, paliwanag ni Yeng: “Maraming reasons eh, ito kasi yung album na feeling ko na sobrang lapit sa akin kasi ako ang gumawa ng mga lyrics (parang Hawak Kamay at Salamat) kaya very personal sa akin itong album.
“At saka, malapit na malapit sa akin ngayon ang mga fans ko kasi may ginawa akong kanta para sa kanila… yung ’Pag Ayaw Mo Na.
“Malapit din ako ngayon kay Lord kasi may personal na communication ako sa Kanya at malapit na rin ako sa mga dreams ko, isa-isa na silang natutupad.”