MANILA, Philippines - Kahit isa siya sa pinaka-busy nating mga artista ngayon, alam ni John Lloyd Cruz kung ano ang tunay na mahalaga sa kanya. Sabi nga sa Ingles, happiness is a decision.
“Kahit super busy, dapat alam natin how to live life to the fullest. Dapat may balanse – may panahon ka sa mga mahal mo sa buhay, sa trabaho mo, sa sarili mo,” he explains. “Kung may gusto kang ma-achieve, give it time, and focus. Hindi excuse yung sasabihin mong wala kang oras.”
John Lloyd makes sure na lagi siyang healthy para mabalanse ang buhay — physically, mentally, and spiritually.
“Kailangan laging positive ang outlook mo sa buhay. ’Pag gising pa lang, dapat thankful ka for each new day. I also try to always eat right. I usually have hotdog omelet for breakfast, some fruits, and fresh juice. Sa lunch naman, dapat malakas sa protina, sustansya tulad ng vegetables and carbo para may energy ako to last the whole day. For dinner, usually light meals,” sabi ng aktor.
John Lloyd also finds time to exercise, and lately, nakakahiligan niya ang biking. Sabi niya, “kasi ang health, yung fit tayo, and biking is almost a full body workout. Kung may free time, I make sure to go mountain biking sa mga bulubundukin ng Rizal. Maganda kasi dun at sariwa pa ang hangin.”
Pero bukod sa exercise at pagkain ng tama, importante rin kay Lloydie na maging totoo. “After all, with all the pressures in show businesses, you have to keep yourself grounded. Kailangang nakaapak ka lagi sa lupa. Kasi madaling makapagbago ng tao ang papuri at adulation. Madaling magpalaki ng ulo,” sabi niya.
Tungkol naman sa kabataan niya, kuwento ni John Lloyd, kailangan ang attitude nung bata pa. “Yung hindi pa corrupted ng kahit na anong sistema ang utak at ugali natin. Lahat naman tayo may inner child, we just have to know how to bring this out again,” sabi pa niya.
One thing he really enjoyed when he was a kid was eating hotdogs. Ani Lloydie: “Sa totoo lang, hanggang ngayon nga ay nagdadala pa rin ako ng baon sa shoot and taping.”
Kaya naman nung inalok si John Lloyd ng Purefoods Hormel Company, Inc. (PHC) para maging endorser ng paboritong brand ng mga bata na Purefoods Tender Juicy Hotdogs, nag-yes agad siya.
Lubusan siyang natuwa sa shoot ng Purefoods Tender Juicy Hotdog TV commercial hindi lang dahil kasama niya ang mga cute na tsikiting kundi naka-’70s costume pa sila.
“It always feels good to work with children. Sobrang saya ng shoot namin. Kahit makulit ang mga bata, ’pag trabaho na, seryoso na sila at disiplinado. Ang gaan ng mga eksena, at siyempre tuwing break, kain lang kami nang kain ng hotdogs,” natatawang sabi pa ng box-office king.