Umeere sa Eat…Bulaga ang music video ng Hindi Ka Nag-iisa na ang balita namin, si Mother Lily Monteverde pa ang nag-ayos ng meeting between Mr. Tony Tuviera and Kris Aquino para sa pag-ere nang nasabing video ni Sen. Noynoy Aquino. Nangako si Mr. Tuviera na lalabas ang music video up to the time na ibabawal na itong ipalabas.
Tinanong si Kris kung bakit sa Eat…Bulaga at hindi sa Wowowee nila napiling ilabas ang music video ng kapatid at ang sagot ay off daw kung dun ieere na ang host ay ibang presidentiable ang ini-endorse.
Composition ni Ogie Alcasid ang Hindi Ka Nag-iisa at kinanta naman ni Regine Velasquez at tuwang-tuwa si Sen. Noynoy sa pagkakanta ni Regine na bumirit towards the end.
* * *
Umalis kagabi si Raymond Gutierrez para mag-host sa US auditions ng StarStruck V sa Los Angeles (Nov. 5-6), San Francisco (Nov. 7-8) at New Jersey (Nov. 10-11). Dideretso sa New York si Raymond at hanggang Nov. 13 siya roon. Hindi sila mag-aabot ng kanyang pamilya na manonood ng laban ni Manny Pacquiao sa Nov. 14.
Kailangang bumalik ng Manila ni Raymond dahil Nov. 15 na ang grand premiere ng StarStruck V at sa Nov. 8, magpapalabas ng primer ang GMA 7 na mapapanood ang lahat ng galing sa reality-based artista search.
Anyway, hindi na nao-offend si Raymond ’pag natatanong sa kanyang timbang.
Sabi na lang niya: “I’ve gotten used to those remarks. I’ve been trying and it’s been a process. Focused ako na pumayat, kumuha pa nga ako ng personal trainer. I don’t mind the comments, naging comfortable ako sa weight ko, but I’m working on it.”
“Slow metabolism is my problem. I have to double my workout. Nag-usap nga kami ni Mo Twister, i-try daw namin ang Non-Invasive Treatment ng Belo, puwede siguro dahil I’m not a fan of medical procedure. Pumupunta lang ako sa Belo for facial.”
* * *
Naku, hindi kaya bigyan ng ibang meaning ng mga fans ang sinabi ni Rhian Ramos na sobrang impressed siya kay Dingdong Dantes na leading man niya sa TV series na Stairway to Heaven?
Sobrang attentive kasi ng aktor sa kanya at konting mag-iba lang ang mood niya, nahahalata na agad ng kapareha, eh ang alam niya magaling siyang magtago ng emotion.
Sabi ni Rhian, tinatanong agad siya ni Dong kung may problema siya at ikinatututuwa niya na concerned ito sa kanya. Lalo raw napalapit at naging comfortable ang working relationship nilang dalawa.
Samantala, umaasa si Rhian na maipalabas sa Metro Manila Film Festival ang Ang Panday dahil bagay na pam-festival ang pelikulang co-produced ng Imus Productions at GMA Films at ginastusan ng malaki para magustuhan ng mga moviegoers.
* * *
Ngayong Tuesday sa Ikaw Sana, masasaksak si Eliza (Jennylyn Mercado) ng hired man ni Loreta (Maritoni Fernandez), pero mapupuruhan ito at agaw-buhay sa ER.
Panic sina Loreta at Sofia (Pauleen Luna) nang malamang pabalik na ng Maynila si Eliza. Masaya naman si Dave (Arthur Solinap) dahil malapit na siyang makaganti kay Sofia sa pamamagitan nang pagtulong kay Eliza. Suportado ni Luis (Frank Garia) ang planong pagbabalik sa Maynila ni Eliza.