Marami ang hindi madadalaw ang kanilang namatay na kamag-anak dahil sa bagyong Santi.
Siguradong baha ang ilang sementeryo natin at sa takot na abutin ng mas malakas pang ulan kahit na sinabi na ng PAGASA na dumaan na ang bagyo, ayaw pa ring makipagsapalaran ng marami.
Na kung hindi sila sipunin ay baka mayroon namang baha na posibleng magbigay sa kanila ng sakit na leptospirosis. Stay na lang sila ng bahay at dun na lamang ipagdasal ang kaluluwa ng kanilang namatay na kamag-anak.
Hindi naman limitado ang pagpunta ng puntod ng mga mahal sa buhay tuwing dalawang unang araw ng Nobyembre. Puwede naman sa ibang araw.
Nakagawian na lamang nating mga Pilipino na pumunta ng sementeryo tuwing November 1. Eh ang araw ng kaluluwa ay ginugunita tuwing November 2, All Soul’s Day.
Ginagawa kasi natin itong araw para magkasama-sama ang pamilya, yung mga magkakahiwalay nang pamilya ay nagkikita-kita sa puntod ng kanilang mahal sa buhay. Bonding day din ito ng mga famiy members, isang parang picnic na kung saan matapos ipagdasal ang kaluluwa ng kanilang namatay ay pinagsasaluhan na ang mga dala nilang pagkain.
Pagkataps nito ay nagkukuwentuhan na, nagbibigay ng updates sa lagay ng bawa’t isa.
Sa pagdating ni Santi, postponed muna ang reunion, mag-monitor muna ng resulta ng bagyo. Kung may napinsala na naman, tumulong tayo ulit. Magpasalamat tayo na nakakatulong tayo at hindi tayo ang nangangailangan ng tulong.
Let’s make the most of the weekend. Magsindi na lamang tayo ng kandila sa altar at sa harap ng ating mga bahay, para sa ikatitiwasay ng paglalakabay ng maraming kaluluwa.
* * *
Si Ruffa Gutierrez, umiibig na naman daw. Aba eh mabuti naman, sasaya ang buhay niya. Matagal-tagal na rin naman siyang hiwalay sa asawa.
Habang hinihintay ang kanyang annulment, mabuting may nagpapasaya sa kanya, kahit sabi niya ay malayo sa kanya ang guy na very much single.
Kahit may Lorin at Venice siya, iba pa rin yung pagmamahal na naibibigay ng isang lalaki. Her kids will always be her priority but she needs a man who can make her whole again. Kaya wag na nating ipagkait ito sa kanya.
After all hindi naman tayo ang nakakaramdam ng lungkot, kundi siya.
* * *
May competition bang namamagitan between Sarah Geronimo and Kim Chiu? Sana wala dahil hindi naman talaga sila ang magkatapat. Nasa pag-arte si Kim at kahit na kumita sa takilya ang dalawang pelikula ni Sarah, she is basically more of a singer and a concert artist.
Kaya huwag na natin silang pag-awayin, pagtapatin, puwede naman silang mabuhay ng magkasabay at walang away.
* * *
Nakakalimang taon na pala ang Club Mwah na pinatatakbo ng magka-partner na Pocholo Mallilin at Cris Nicolas.
Bilang selebrasyon, simula sa buwang ito ng Oktubre, hanggang sa pagdating ng kanilang anniversary month ngayong November, tatlong magkakaibang palabas ang mapapanood dito tuwing Huwebes, Biyernes, at Sabado.
May bagong production number na ginawa si Cris, ang Moulin Rouge. Ito at ang mga dating production numbers na hinangaan ng marami ay ginawan niya ng bagong choreography ang mga magiging atraksyon ng Club Mwah sa kanilang anibersaryo.