Isang kuwarenta’y anyos na abogado ang ipinamamarali ni Rosanna Roces na karelasyon niya ngayon, three years her senior.
Makailang beses nang nasabit si Osang sa mga kasong legal dangan nga lang at hindi ‘yon pormal na naisampa sa husgado, maliban sa asuntong inihain laban sa kanya noon ni Dra. Vicki Belo. Pero ngayong nakatagpo na ang part-time actress ng kakampi ng batas, harinawa’y marendahan nito ang kanyang bibig sa pagrepeke ng mga bagay-bagay na kadema-demanda.
Pero lately, may press release si Osang na magpapakasal na raw sila ng kanyang lawyer-boyfriend. Nakapagtataka lang kung bakit inaayudahan ito ni attorney gayong hindi pa naman napapawalang-bisa ang kasal ng kanyang would be-bride sa asawa nitong si Tito Molina.
Kulang kaya ng pananaliksik ang boypren ngayon ni Osang sa totoong civil status nito? Or to begin with, may nobyo nga bang abogado ang hitad, o produkto lang ng kanyang mayamang imahinasyon?
* * *
Yogo-mates pala sina Robin Padilla at GMA 7 Senior Vice President for Entertainment TV Wilma V. Galvante, but despite their frequent encounters ay never pa raw nilang pinag-uusapan ang susunod na TV project ng action star sa GMA.
Sa halip ay pelikula raw muna ang pagkakaabalahan ni Robin, pero hindi naman niya tinukoy kung ang proyekto bang ‘yon ay ang ipo-prodyus niyang movie starring BB Gandanghari (to be directed by Rustom Padilla. I thought Rustom is dead!) o mismong pelikulang siya ang bida.
Feeling ko, after Robin’s Joaquin Bordado ay nakaburda pa rin sa isipan ng creative staff ang ‘misbehavior’ ng bida nito. Nagbanta na rin kasi ang production staff na hinding-hindi na sila makikipagtrabaho kay Robin, never again.
Sana, sa pagyo-yoga o meditation ni Robin ay sapian siya ng liwanag (oh, Liwanag, after all, ang pangalan ng kanyang foundation yet he continues to live in the dark?) ng pag-iisip that any project, for that matter, cannot be one-man army, ‘no!
* * *
Sa pamamagitan ng awiting Galing ng Pinoy itinatawid ng Western Union ang pagbibigay-parangal sa ating mga OFW na anila’y mga bayani ng bansa sa modernong panahon.
Produced by Jonathan Manalo and directed by GB Sampedro, ang dose anyos na si Rhap Salazar na hinirang na junior grand champion at the World Championship of the Performing Arts, ang umawit ng kanta na merong music video.
Naniniwala ang Western Union, kilala sa money transfer ng global payments, na puwedeng maging anthem ng ating mga Pinoy migrant workers ang Galing ng Pinoy.
* * *
Want to get the biggest scare of your life tonight? Watch kayo ng animation masterpiece na Monster House mula sa mga direktor na sina Robert Zemeckis at Steven Spielberg on 5Max Movies on TV5 at 9:00 p.m.