^

PSN Showbiz

Dating P.A. ni Jennylyn Mercado nakakulong na

-

MANILA, Philippines -  Hawak na ng pamunuan ng Quezon City Police District ang dating personal assistant ng aktres na si Jennylyn Mercado matapos na maaresto dahil sa kasong isinampa ng aktres.

Si Rowena Pulmano, 40, ay nadakip ng pamunuan ng District Police Intelligence Unit ng QCPD sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni QC Regional Trial Court branch 77 judge Vivencio Baclig.

   Ayon kay Supt. Marcelino Pedroso, hepe ng DPIU, naaresto nila ang suspek sa may Barangay Uno Laka sa Via, San Mateo, Rizal pasado alas 11:30 ng umaga.

Si Pulmano ay kinasuhan ni Mercado matapos gamitin ng una ang tseke ng aktres na may halagang P460,000 para sa kanyang sariling kapakanan.

Base sa reklamo ni Mercado, nagpalabas ng tseke si Pulmano sa magkaibang okasyon mula Hunyo at September 2008 nang wala siyang kinalaman.

Ayon pa sa ulat, walang piyansang inirekomenda ang husgado kay Pulmano para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Nakapiit ngayon si Pulmano sa tanggapan ng QCPD sa Camp Karingal habang inihahanda ang pagdadala sa kanya sa korte. (Ricky Tulipat)

AYON

BARANGAY UNO LAKA

CAMP KARINGAL

DISTRICT POLICE INTELLIGENCE UNIT

JENNYLYN MERCADO

MARCELINO PEDROSO

MERCADO

PULMANO

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

REGIONAL TRIAL COURT

RICKY TULIPAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with