Katulad ng tagumpay na natamo ng As1 concert nina Martin Nievera at Gary Valenciano sa SM Mall of Asia concert grounds, ongoing ang North American 9-city tour nito na nagsimula sa Pala Casino and Resort sa San Diego California nung Oktubre 9.
Bukod sa pagkanta, sinasabayan din ni Martin ang pagsasayaw ni Gary V sa gitna ng sigawan ng kanilang audience habang si Gary V ay nag-share ng kanyang funny anecdotes. Hit ang kanilang production numbers na magkasama. Gumawa sila ng request portion at kinanta nila ang ilan sa kanilang hit songs tulad ng How Did You Know, Natutulog Ba Ang Diyos at Warrior Is A Child ni Gary V at Be My Lady at Say That You Love Me ni Martin. Nagpalitan sila ng kanta na hit sa lahat ng manonood nila.
Sa San Francisco leg ng As 1, sa rami ng humahalik kay Martin ay nagpasya itong maningil bawat halik. Ang kinita dito ay ipagkakaloob niya sa mga biktima ng bagyong Ondoy sa pamamagitan ng Sagip Kapamilya.
Nakakatuwang isipin na pinagkatiwalaan sina Martin at Gary ng mga fans nila sa USA. Martin walked into Walmart in San Francisco at binigyan siya ng US$500 ng mga tao dun para sa mga naging biktima ng bagyong Ondoy habang si Gary naman ay binigyan ng check worth US$400 sa isang press conference at nang kumain siya sa popular na Intramuros Restaurant sa Daly City the day after the concert. Nakipag-jamming pa siya sa bar.
Nagpasya ang family friend and owner Mark De Leon, to pass a hat and they collected US$500 in ten minutes.
Angeli (asawa ni Gary) got a text while in the USA that a US-based Filipino family sent US$5,000 to the Shining Light Foundation kung saan board member siya kasama si Gary.
* * *
Nasa proseso na si Piolo Pascual ng paggawa ng kanyang ika-anim na album na magtatampok ng mga awitin from the 50s, 60s at 70s. Gustuhin man niyang igawa ng kanta si KC Concepcion na tulad ng inaasahan ng mga tagahanga nila, kailangang isang original song ang gawin niya pero hindi naman maisasama sa album dahil nga revivals ang laman.
Mukha namang ayaw lamang ipagmakaingay ng actor pero patuloy siya sa kanyang pamimintuho sa anak ni Megastar Sharon Cuneta na welcome naman siyang tinatanggap sa bahay nito kapag dinadalaw niya si KC.
* * *
Hindi maitago ni Gerald Anderson ang kanyang lungkot ngayong nasa huling dalawang linggo na ang Agimat : Mga Alamat ni Ramon Revilla presents Tiagong Akyat.
“I’ll definitely miss my character as Tiagong Akyat. Ang dami ko kasing natutunan from the series. Marami akong first time nagawa dahil sa Tiagong Akyat. Jumping off a building is one of my unforgettable stunts ever.”
Sa nalalapit na pagtatapos ng serye, sasabak pa si Gerald sa mas maaksiyong eksena.