MANILA, Philippines - Nagsimula na ang pagdiriwang ng BonPen Festival ’09. Ito ay hango mismo mula sa lugar ng Quezon Province na tinatawag na Bondoc Peninsula (o BonPen) na kinabibilangan ng 12 distrito. Ang mithiin ng festival ay maging sentro ng tourism ng Southern Tagalog at maging isa sa mga ipinagmamalaking tourist spots ng ‘Pinas.
Sa pagbubukas ng pagdiriwang ng festival ay magkakaroon ito ng BonPen Tourism Week.
Ngayong Huwebes, Oct. 29, isang Trade Fair and Products Exhibits mula sa 12 towns ang idaraos ng BonPen Fest. Rakrakan naman sa gabi ang mga iba’t ibang banda para sa Oktoberfest ng San Miguel.
Bukas ay tatanghalin naman ang isang beauty pageant na magpapakita sa mga magagandang babae sa Bondoc Peninsula.
Sa Sabado ang closing ng festival sa pamamagitan ng masayang street dancing competition.
Ang BonPen Festival ’09 ay sinimulan ng model-TV host Wilma Doesnt kahit hindi siya taga-BonPen.