Balakang ni Shakira hataw na naman

MANILA, Philippines - Humahataw na naman ang balakang ni Shakira sa bago niyang album, ang She Wolf, na No. 1 sa pitong bansa at Top 5 sa 14 bansa kasali ang UK, Ireland, Mexico, Germany, Argentina, Colombia, at Chile.

Ang title track na parehong titulo, She Wolf, ay isinulat at ipinrodyus mismo ni Shakira kasama si John Hill sa lyrics.

Ang album ngayon ni Shakira ay pangatlong English-language release niya mula sa Sony Music at umani na ito ng 35 million YouTube views simula nang mag-debut ang She Wolf video noong July.

Show comments