Star Awards for Music ngayon na
Isang masayang victory party ang ginanap sa Barrio Fiesta sa SM Megamall bilang selebrasyon sa panalo ni Heart Evangelista na best actress sa katatapos na FAMAS Awards.
Sinabi ni Heart na nanghihinayang siya na hindi niya personal na tinanggap ang kanyang award, hindi kasi niya inakala na mananalo siya.
Maging aral sana ito sa lahat na nabibigyan ng nominasyon sa anumang awards giving body.
Manalo man sila o matalo kailangang dumalo sila bilang pagbibigay halaga sa ibinigay sa kanilang nominasyon.
Gaano man ang kagalakan ni Heart ngayon, mas matamis ang panalo kung andun siya mismo nung awards night para tanggapin ang parangal niya.
* * *
Salamat sa mga nakapansin na kahit papaano ay napaganda ang FAMAS Awards ng red carpet, kadete ng PUP at ng bonggang venue nitong PAGCOR Casino Parañaque.
Hindi na gaanong napansin ang kakulangan ng mga artista dahil ang gagaling ng mga naging performers during the awards night program.
* * *
Binabati ko ang Philippine Movie Press Club, ngayon idaraos ang kauna-unahan nilang Star Awards for Music na magaganap sa Skydome ng The Block ng SM North Edsa.
Matagumpay na nakopo ng PMPC ang lahat ng medium ng local entertainment tulad ng pelikula, TV at ngayon ng musika naman.
Sayang nga lamang at wala pang TV coverage ang Star Awards for Music pero sa kasipagan ng PMPC na humanap ng mga makapagpo-prodyus ng kanilang tatlong awards. I’m sure next year, mas mapapabongga pa nila ang Star Awards for Music, tulad ng nangyayari sa Star Awards for Movies at Star Awards for TV. Ang huli ay magaganap na rin sa susunod na buwan.
- Latest