Fans nina Sarah at Kim walang tigil ang bangayan

Naku, nag-react na naman ang suki ng PSN na si Irene tungkol sa kanyang idolong si Sarah Geronimo.

Masyado raw unfair ang lumabas na issue na walang K (as in karapatan) si Sarah na maging no.1 dahil hindi na nasundan ang kanyang TV series na Bituing Walang Ningning kaya mas sikat daw si Kim Chiu.

Say niya :

“I should say that that’s not fair.

“How could they say that when in fact Bituing Walang Ningning were top rater. It’s Mr. Vic del Rosario’s decision not to accept teleserye to avoid over exposure and also over over na si Sarah sa schedule kada taon.

“Gusto ko ring kontrahin yung sinabi ni Kim sa ASAP 09 last Sunday na role model daw siya. Dapat mag-ingat si Kim sa pagsasabi na role model siya at baka ma-misinterpret ng mga kabataan na ang pagiging out of school youth ay dapat gayahin. Sa ASAP na lang na magkasama sina Sarah and Kim ay makikita mo kung sino talaga ang talented.

“Hindi na sila dapat kinukumpara - box office queen, concert queen, multi platinum artist and no 1 hitmaker, multi million endorser and more to come,” emote ni Irene.

At ang pinaka-importante raw, kahit abala ang kanyang idolo sa maraming trabaho, nag-aaral pa rin ito sa UP Open University.

In a way, magandang sign ito na active pa ang mga fans.

Parang noong mga panahon nina Vilma Santos and Nora Aunor.

At least very healthy ang competition at ang mga fans lang ang nagba­bangayan.

I doubt it kung nag-aaway din sina Sarah at Kim.

Kilalang pareho silang mabait.

* * *

Limang taon palang nagtrabahong construction worker sa Alaska ang isa sa anim na finalist sa matatapos nang Survivor Philippines : Palau – si Amanda Colley Van Cooll na matagal-tagal ding nanirahan sa nasabing bansa pero lumaki at nagka-isip sa Mindoro.

Hindi mo aakalaing kaya niyang magtrabaho ng pang-lalaki.

Pero tumagal sila ng limang taon sa nasabing trabaho. Work to the max siya ng at least 10 hours a day, 6x a week doon bago siya nag-join sa Survivor. “Kaya wala ka talagang time sa sarili ko doon,” sabi ni Amanda.

Nagmamaneho raw siya doon ng malalaking truck at nagtatrabaho ng katulad ng isang ordinaryong lalaki.

Kaya nga ayaw na niyang bumalik sa nasabing bansa ngayong may possibility siyang maging artista dito lalo na nga kung mananalo siya ng P3 million.

Anyway, tatlong linggo na lang ang nalalabi sa Survivor Philippines.

Mula sa original na 16 na castaways at 32 araw na pananatili sa Isla ng Palau, natira ang pinakamautak, pinakamagaling at pinakamatatag.

Nakasama ni Amanda sina Charles de Vera Fernandez, ang tinaguriang Raketista ng Dagupan, si Shaun Rodriguez, ang Hot Dad ng Zambales; Jef Gaitan, ang pinapantasyang Girl Next Door ng Manila; Mika Batchelor, The Sexy Chef naman ng Palawan at si Justine Ferrer, The Beauty Queen ng Caloocan kung kilalanin.

Pasimple lang ang atake ni Amanda kaya tila hindi raw namamalayan ng mga kasama ang pananatili pa rin nito sa laro. Darating na kaya ang pagkakataon na siya naman ang magiging puntirya ng mga kasama?

O magiging totoo ang sabi-sabing “save the best for last”?

Sayang bihira akong manood pero mas tumitindi pa raw ang pautakan, pagalingan at patatagang magaganap sa pagitan ng anim na natitirang castaways.

Mapapanood ito gabi-gabi pagkatapos ng Rosalinda.

Show comments