Charo Santos ninakawan sa kasal nina Mar at Korina

Inabangan ko sa 24 Oras noong Martes ang news tungkol sa well-covered na kasal nina Senator Mar Roxas at Korina Sanchez sa Sto. Domingo Church.

Gandang-ganda ako kay Mama Koring sa kanyang wedding gown na ginawa ng fashion designer na si Pepito Albert.

Nagbunga ang crash diet ni Mama Koring dahil malaki ang kanyang ipinayat. Hindi halata na under pressure siya dahil hands-on ang pag-aasikaso niya sa pag-iisang dibdib nila ni Papa Mar.

Effect na effect ang hindi pagsusuot ni Mama Koring ng wedding veil dahil lalong nagningning ang kanyang mukha habang naglalakad siya sa mahabang aisle ng simbahan.

I’m sure, marami ang nainggit kay Mama Koring dahil simple pero napaka-elegante ng kanyang wedding gown. Napatunayan niya na totoo ang slogan ng Flawless na less is more.

* * *

Pinaghalong showbiz at pulitika ang mga bisita sa kasal nina Mama Koring at Papa Mar. Ninong nila sa kasal ang presidentiable na si Senator Noynoy Aquino at bisita naman si Papa Joseph Estrada na magkalaban sa iisang posisyon sa susunod na eleksiyon.

Maganda rin ang gown na suot ni Mama Charo Santos-Concio na nawalan ng bag. Hanggang sa loob ng simbahan, active ang mga magnanakaw. Sinamantala ng magnanakaw ang kaguluhan sa photo op kaya walang nakakita nang tangayin ang bag ni Mama Charing.

Maraming TV camera ang ABS-CBN sa loob ng Sto. Domingo. Bakit hindi subukan ni Mama Charing na ipa-review ang lahat ng footage dahil baka hindi sinasadya na nakunan ng mga TV camera ang pagdampot sa kanyang bag?

Ganyang-ganyan ang nangyari noon sa presscon ng Belo Medical Group para kay Jinkee Pacquiao.

Nalaglag ang diamond earring ni Bernard Cloma nang maglaban sila ni Gorgy Rula sa boxing.

Hindi matandaan ni Bernard kung saan at paano nawala ang kanyang mamahaling hikaw pero nang tingnan sa camera ang eksena, nakita ang kamay na nakapulot sa singsing na nawala.

Ang photographer na si Boy Borja ang nakapulot ng hikaw at dahil hindi niya alam kung sino ang may-ari, itinago muna niya. Ibinalik ni Boy ang hikaw nang malaman niya na si Bernard ang may-ari.

* * *

Walang mawawala kay Mama Charing kung pakikinggan niya ang aking suggestion. Ipa-review niya ang tapes na nakunan ng cameramen ng ABS-CBN.

At dahil kalat na ang balita na nawalan siya ng bag, baka may witness na biglang lumitaw at magsabi na na-sight niya ang tao na kumuha sa bag ni Mama Charing.

Sa rami ng tao sa loob ng simbahan, imposible na walang nakapansin sa nakawan na nangyari ‘debah?

* * *

Nag-behave naman si Baby James sa kanyang first time na pag-abay sa isang kasal. Bagets na bagets pa si Baby James pero naglalaro na pala siya ng PSP?

Naalaala ko tuloy ang aking apo na si Kinsey na mahilig din sa PSP. Nagpapabili uli siya ng latest model ng PSP at flaming red ang kulay na gusto niya.

Proud mama si Kris Aquino nang rumampa si Baby James sa simbahan. Normal sa mga nanay na tulad ni Tetay ang maging stage mother. Likas sa mga ina na ipagmalaki ang kanilang mga anak.

* * *

Lucky pa rin ang isang aktres dahil na-edit ang interbyu sa kanyang ex-boyfriend. Kung ipinalabas nang buo ang interbyu, malamang na cry me a river ang aktres dahil hindi niya kakayanin ang pagiging pasaway ng lalake na kanyang minsan na minahal. Huwag na kayong humingi ng clue dahil madaling hulaan ang mga subject ng aking kuwento! 

Show comments