StarStruck V pang-buong mundo na

MANILA, Philippines - Sa nalalapit na pagsisimula ng pinakamalaki at pina­kabigating season ng StarStruck (V) sa GMA 7, ilu­lunsad sa unang pagkakataon ang international auditions ng original reality-based artista search para sa lahat ng Pinoy sa labas ng bansa.

Inaabangan na ang pagbubukas ng panglimang season ng StarStruck dahil mas pinainit, mas pinatindi at mas pinabongga ang talent search ng GMA Network.

Magkakaroon ng auditions sa mga sumusunod na araw at lugar: Singapore (Oct. 30 and 31 in 7107 Restaurant Marina Square); Tokyo, Japan (Nov. 3 and 4); Middle East: Bahrain (Nov. 3 and 4 in Orbit Showtime Sales Showroom, Old Palace Rd., Manama, Bahrain), Abu Dhabi (Nov. 5 in Trianon Sports Club Hotel, Abu Dhabi), and Dubai (Nov. 6 in Orbit Showtime Sales Showroom, Bur Dubai); Los Angeles (Nov. 3 and 4), San Francisco (Nov. 5 and 6), and New Jersey (Nov. 7 and 8).

Lahat ng aplikante na may Filipino lineage, may edad 16-23 years old, lalaki o babae, at may natatanging talento sa pag-awit, pagsayaw at pag-arte ay inaanyayahan na sumali sa talent search.

Kinakailangang magdala ng original at photocopy ng kanilang birth certificate, at whole body at close-up photos. Lahat ng may edad 18 years old pababa ay dapat magdala ng written consent mula sa kanilang magulang at original at photocopy ng kanilang valid ID para makapasok sa audition.

Iaanunsyo ang iba pang venues sa Japan at US sa iba’t ibang GMA shows na mapapanood din sa GMA Pinoy TV at GMA Life TV.

Ang pinakamagaling na StarStruck aspirants sa bawat bansa na mapipili ay ipapadala sa Manila na may libreng accommodations at travel expenses.

Iniimbitahan din ang lahat ng aplikante na i-e-mail ang kanilang pangalan, edad at contact number sa starstruck@gmanetwork.com.

Show comments