^

PSN Showbiz

Lucy gandang-ganda kay Dawn!

-

Boring pala ang pelikulang Ploning. Nakatulugan kong panoorin nang ipalabas sa GMA 7 last Sunday night.

Super high ang expectation ko sa nasabing pelikula dahil nagkaroon fund raising para mapansin sa Oscars ang pelikula ni Judy Ann Santos na dinirek ng kanyang kaibigang si Dante Nico Garcia. Pero sadly, hindi pala exciting ang kuwento kaya nakakaantok.

Bigla-biglang ipinalabas ang nasabing pelikula sa TV na walang kaingay-ingay.

* * *

Ba’t ganun parang mas exciting pa rin ang Game Ka Na Ba? kesa sa ipinalit ditong Showtime.

Actually, hindi lang ako ang nakapansin.

Kahit ang ordinaryong viewers tulad ng dalawa kong kasama sa bahay ay mas feel ang PGKNB?

Saka iba raw pag si Edu (Manzano) ang host.

Well...

* * *

May meaning ba yung ginawang pagtatakip ng tela kay Korina Sanchez habang naglalakad sa red carpet kahapon papasok ng simbahan (Sto. Domingo Church)? O para lang itago muna siya.

Tuloy ang nangyari, nawalan ng direction ang nilalakaran ng bride kaya napalabas siya sa red carpet.

 Kitang-kita sa TV ang nasabing eksena. Ang bilis pang lumakad ni Ms. Korina.

Anyway, may kilig factor naman ang nasabing kasalan dahil para silang mga bagets na nai-excite sa honeymoon.

Congrats. Opisyal Mrs. Mar Roxas na ang broadcaster.

Minsan nang naudlot ang pagpapakasal ni Ms. Korina noon.

Ayon sa kuwento, ready na lahat para sa nasabing kasalan. Pero biglang ‘di natuloy.

Anyway, balitang jampacked ang simbahan sa nasabing kasalan at present ang lahat ng kilalang tao.

Si Pres. GMA lang daw ang wala.

Pero mas lalong masaya sa nangyaring kasalan ang mga kababaihang 40 something na ang edad. May pag-asa pa rin naman daw pala sila.

“Nakaka-inspire. Kasi puwede pa pala akong magpakasal sa simbahan,” sabi ng isang single na matagal nang nangangarap makasal pero sadly ay wala pa siyang nakikilalang nago-offer ng kasal eh naghahabol na siya ng oras.

* * *

Nagbigay ng official statement ang GMA 7 tungkol sa ginawang pagri-resign ng talent manager ni Dingdong Dantes sa SOP.

May issue kasi na tsinugi siya sa nasabing programa.

Pero nag-resign daw ito.

Here ang official statement ng GMA 7 :

Perry Lansigan RESIGNED from SOP to fully concentrate as President and CEO of PPL Entertainment, Inc., a production and talent management company which he formally established in September. He could not tender his resignation sooner because he waited until I returned from my official trip to Cannes. For the record, Perry has been with GMA as a talent production staff for 18 years. He has been with SOP for 13 years and in all these years, Perry has only shown professionalism and competency in his work. 

With Perry’s creativity, discipline and management savvy, it is inevitable that he would want to grow and expand his boundaries and eventually be a major player in this industry. No one can deny him that. 

GMA is grateful for the service and loyalty of Perry and will continue to support him, his projects and most especially his roster of talents who are under exclusive contracts with the Network.  

* * *

Graded B ng Cinema Evaluation Board ang Patient X.

Magsisimulang mapanood ang mga pelikula nga­yong araw sa mga sinehan.

* * *

Gandang-ganda raw si Lucy Torres kay Dawn Zulueta nang mag-guest ang huli sa programa ni Lucy sa Q11 na Sweet Life.

Paulit-ulit daw sinasabi ni Ms. Lucy na kung siya ay magiging aktres gusto niyang maging katulad ni Dawn. At kung sakali namang bigyan siya ng chance na muling mabuhay, gusto niyang maging si Dawn na dating girlfriend ng asawa niyang si Goma.

CINEMA EVALUATION BOARD

DANTE NICO GARCIA

DAWN ZULUETA

DINGDONG DANTES

DOMINGO CHURCH

GAME KA NA BA

MS. KORINA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with