MANILA, Philippines - Nagmistulang showdown ng mga top-rating FM stations kamakailan ang labanan ng mga disc jockeys ng 90.7 Love Radio at 101.1 Yes-FM sa Lazer Blaster ng Star City.
Dala nina Nicole Hiyala, Missy Hista, Papa Jack, Rica Hera, Christine Dera, Rico Panero, at ang kanilang station manager na si Jojo Cehung ang pangalan ng Love Radio na muling nag-No. 1 sa rating ng AC Nielsen. Mala-Rambo naman ang dating ng mga taga-Yes-FM na sina Vilma Taray, Maria Maldita, Totoy Bato, Diego Bandido, Biboy Bibo, Beauty, Bruno at Brownie, kasama si Glenn Garcia at ang kanilang deputy station supervisor na si Karen Golfo.
Isang futuristic na gubat ang kanilang natagpuan sa Lazer Blaster, ang pinakabagong kinalolokohan ng madla sa Star City. Nataguriang “state-of-the-art laser tag arena,” dulot ng Lazer Blaster ang walang humpay na aksyon sa mabilisang paggalaw ng mga manlalaro, na sadyang pinatindi ng special lighting effects sa paligid.
Ang “laser tag” ay isang makabagong uri ng game system na kontrolado ng mga computers at sadyang madaling kagiliwan ng lahat, bata man o matanda. Lahat ng lumaro nito ay maaaring magpantasya na maging bayani matapos lumaban sa isang ligtas na paraan.
Para sa karagdagang tanong ukol sa Lazer Blaster, o sa mga nais magpareserba bilang grupo, tumawag lamang sa telepono bilang 833-4483.