Vilma may espesyal na anunsiyo sa b-day?

With DILG Ronnie Puno’s withdrawal from the vice pre­sidential race, kumbaga sa maulap na ka­langitan ay may su­misilip na liwanag na ang papa­lit sa kanyang pinu­pun­tiryang puwesto ay walang iba kundi si Batangas Gover­nor Vilma Santos.

Ngunit kung si Ate/Gov. Vi ang tatanungin, the moment to decide has yet to come. Consistent lagi ang aktres-pulitiko, in fairness to her, sa pag­sa­sabing ibang usapan na kung buong bansa ang kanyang patatakbuhin gayong kailan pa lang naman siya pinagkatiwalaang pamunuan ang lala­wigan ng Batangas.

If only for Ate Vi’s honest admission of her politi­cal inade­qua­cy at this point, saludo ako sa kanya, huwag na ang aking pagiging dyed-in-the-wool Vil­manian ever since the world began. Hindi ang pag-uudyok sa kanya ng admi­nistrasyon ang mag­tutulak kay Ate Vi to aspire for a national post, kun­­di ang kanyang puso in the way that she has meaningfully served the industry.

Ate Vi certainly knows the extent of her political abi­lities tulad din ng kanyang mga limitations. Power hunger is not her cup of tea, not even her glass of champagne.

Pero kwidaw din tayo, a few days from now ay mag­daraos na si Ate Vi ng kanyang kaarawan. Baka masorpresa na lang tayo sa kanyang iaanun­siyo sa pakikipag-tandem niya kay Defense Sec­retary Gilbert “Gibo” Teodoro (who, in fairness, is my bet!).

Vi for VP? Itama n’yo lang po ang pagpo-pro­nounce ng “Vi”… baka kasi isiping “B” for Binay…iiiwww!

* * *

Inamin ko kay Tito Ricky Lo na na-inspire ako sa kakai­bang approach niya sa pagba-blind item employing foreign places. Hiningi ko ang permiso ng columnist/TV host na gayahin ang kanyang treat­ment only that mga lokal na lugar ang kaka­tawan sa mga pangalan ng aking mga subjects.

“Mga flowers naman ang gamitin mo,” su­hes­tiyon ni Tito Ricky. What an equally brilliant idea. So, here goes…

May ilan din palang panahong sinusuportahan sa pera ni Jasmine si Lotus, yun ang mga pa­nahong hindi na ito nag-aartista. Nung una, hindi iniin­da ni Jasmine ang kanyang pagkakawang­gawa, pero umabot na sa puntong naging parasite na si Lotus.

Entonces, tinigilan na ni Jasmine ang pagtulong kay Lotus, na noong aktibo sa showbiz ay paborito ng direktor na si Dahlia Zinnia. Ikinaloka pa ni Jasmine ang papalit-palit na dyowa ni Lotus. Sa katunayan, humingi pa ng saklolo ang tinedyer nitong anak na si Katuray kamakailan sa pama­magitan ng text na kung maaari’y tulungan ang kanyang ina ngang si Lotus na nag-suicide try.

Siyempre, gets n’yo na kung sino si Lotus? What about Jasmine na nagsilbing benefactor ng hitad for the longest time?

Ang madir ni Jasmine, si Lily na dating senadora na dyowa ni Eucalyptus!

Hay, naku, Tito Ricky, naubusan na ako ng mga bulaklak kaya mga halaman na lang!

Show comments