Pahinga muna sa pagiging Kapuso si Robin Padilla dahil balik-Kapamilya siya sa soap na Kung Tayo’y Magkakalayo. Ginanap kagabi, 7 p.m. ang storycon sa Romulo Café sa Dr. Lascano sa Quezon City. Sa Nov. 13, na ang first taping day ng soap kung saan makakapareha ni Robin si Kris Aquino. Unang nabalitang gagawa ng movie sa Star Cinema ang aktor, pero mauuna pa siyang gumawa ng soap kahit next year pa ang airing.
Bukod kay Kris, kasama sa cast ng Kung Tayo’y Magkakalayo sina Kim Chiu, Gerald Anderson, Albert Martinez, Jaclyn Jose, Maricar Reyes, Coco Martin, at Gina Alajar. Iikot ito sa mother and daughter relationship at ang team behind Tayong Dalawa ang in charge, kaya sina Erick Salud at Trina Dayrit pa rin ang mga magiging direktor.
Sabi ni Kris, ayaw ng husband niyang si James Yap na gumawa pa siya ng soap dahil magiging sobrang busy siya, pero pumayag nang malamang makakasama niya sina Kim at Gerald at pati na rin siguro si Robin. Kundi sa Jan. 25, 2010, sa Feb. 8 before her birthday ang airing ng bagong soap ng ABS-CBN.
* * *
Mas naniniwala kay Carla Abellana si Geoff Eigenmann kesa sa mga nasusulat sa isyung may relasyon pa rin ang kapareha niya sa Rosalinda kay JC Intal. Mas nakakausap at nakakasama niya sa taping ang dalaga at naniniwala siyang break na ito at ng baskeeter.
Ipinaliwanag na rin ni Carla na matagal na ang mga litrato nila ni JC na na-post sa Facebook account na nadiskubre ng press. Itinanggi rin nito na siya ang nag-post sa FB account pa rin ni JC na pinabulaanang break na sila.
Anyway, masaya si Geoff dahil kahit magtapos ang Rosalinda, sila pa rin ni Carla ang magka-partner sa susunod nilang soap. Hindi pa lang maikuwento ng aktor kung ano, pero tiyak na ‘di niya tatanggihan dahil si Carla nga ang makakatambal niya. Masaya ring ibinalita ni Geoff na may bago siyang endorsement at this week na sila magmi-meeting ng manager niyang si Perry Lansigan sa mga kumukuha sa kanya.
* * *
Bukas na ang showing ng Patient X nina Richard Gutierrez at Cristine Reyes at nagpahayag na ang dalawa na mami-miss ang isa’t isa dahil matagal bago sila magka-trabaho uli.
Pero nangako silang ‘di tatapusin ang friendship at open ang kanilang communication para kahit ‘di sila nagkikita ay nagkakausap pa rin.
Ang movie nila ni Vic Sotto na Ang Darling Kong Aswang ang next na pagkakaabalahan ni Cristine at ang taping ng bago niyang soap sa ABS-CBN na papalit daw sa May Bukas Pa. Cristine Series daw ang working title ng soap to be directed by Rory Quintos, pero wala pang leading man.
Samantala, hindi pa pala nakakalipat sa condo unit niya si Cristine dahil gusto na siya mismo ang bibili ng mga gamit sa bahay, kaso nga, wala siyang time mag-shopping. Nauna nang lumipat ang ina at kapatid sa katabing unit at iniwan ang lumubog nilang bahay sa Provident Village sa Marikina City na finally ay balak na ng mommy ni Cristine na ibenta na lang kesa bumalik pa sila.
* * *
Abangan ang eksena ni Wendell Ramos sa Kaya Kong Abutin ang Langit, rumampa siyang naka-underwear lang.
Rumarampa naman ang aktor sa Bench Denim & Underwear Fashion Show at ‘di na bago ang ginawa niya sa nabanggit na afternoon soap. Ang kaibahan lang, sa telebisyon niya gagawin.
Sa istorya, walang choice si Daryl (Wendell) kundi maging escort at underwear model dahil wala na siyang pera. Si Clarissa (Iza Calzado) ang sinisisi niya sa mga nangyayari sa kanya.
* * *
Ngayong Tuesday sa Stairway to Heaven, sasabihin ni Maita (Jean Garcia) kay Eunice (Glaiza de Castro) na kumbisihin si Charlie (TJ Trinidad) para ‘di magkabalikan sina Cholo (Dingdong Dantes) at Jenna (Rhian Ramos), pero ayaw sumali ni Charlie sa plano ng ina at kapatid.
Sa beach house, nauwi sa away ang double date nina Cholo at Eunice at Charlie at Jenna. Hindi alam nina Eunice at Charlie, na makikipagsabwatan si Cholo kay Badet (Karen delos Reyes).