Boobs ni Cristine pinagpistahan!

Sayang at na-interview na namin si Ara Mina nang dumating sa premiere showing ng Patient X ang kapatid niyang si Cristine Reyes na halos lumuwa na ang dibdib sa suot nitong asul na damit na backless, sideless, at plunging pa ang neck­line. She was escorted by Richard Gutierrez.

Masaya sanang malaman kung ano ang naging comment ni Ate Ara sa damit ng kanyang naka­ba­ba­tang kapatid na muli niyang ipinagtang­gol nang hingin ang reaksyon niya sa sinabi ni Cristine na tsismosa siya sa isang interview nito.

“Na-pressure lang daw siya, natensyon kaya kung anu-ano na lang ang sinabi niya pero wala siyang masamang gustong ipakahulugan sa kanyang sinabi. Mas madaldal siya sa akin ’noh,” may halong pabirong sabi ni Ara.

Buong pamilya ni Cristine, hindi lamang si Ara, ang dumating para suportahan siya sa Patient X na dinirek ng Pinoy-Hollywood director na si Yam Laranas at pinagtulung-tulungang iprodyus ng tatlong movie productions, ang GMA Films, Viva Films, at ang pro­duksyon ni Ri­chard na RGgutz Produc­tions.

Sinabi ni Ara na pinag-iisipan niya kung ire-reissue ang pin­rodyus niyang movie nila ni Cris­tine na Ate.

“Nung ginawa namin ang mov­ie ay undecided pa si Cris­tine. Ngayon, kitang-kita na sa pag-aar­tista rin siya sasabak. I’m proud of the film kasi maganda naman itong nagawa,” sabi ni Ara.

Tungkol naman sa Patient X, sayang at towards the end of the film ay nagluko ang sound, hindi ko tuloy nalaman ang kinapun­ta­han ng istorya, pero nakaka­ta­kot naman ito, madalas nanggu­gu­lat ng mga ma­no­nood. ’Di ko rin sigurado kung madilim talaga ang pe­li­kula o ang mga mata ko. Marami akong ek­sena na hindi nakita. Panoorin ko na lang uli sa regular run.

* * *

Nagbibilyar din pala si Jayson Gainza, nakita ko itong naglaro ng bilyar kakampi si Efren “Bata” Reyes. Kalaban nila ang tandem nina TJ Manotoc at Dyango Bustamante.

Aliw na aliw ang mga kalahok sa Villard Kapa­milya Cup na itinataguyod ni Senador Manny Vil­lar para sa mga empleyado ng ABS-CBN News and Current Affairs. Bukod kasi sa pagbibilyar ay nagpapa-kengkoy pa si Jayson na unti-unti ay nagpapamalas ng kan­yang maraming talento. Hindi lamang siya artista sa TV at pelikula na nadis­kubre sa Pinoy Big Brother. Maaa­sahan din siyang host sa TV at isang mahusay na ko­medyante at imper­sonator. Nga­yon, nagbibilyar na rin siya. Wala na bang katapusan ang kanyang talento?

Samantala, natutuwa ang mga taga-News and Current Af­fairs dahil nakakuha sila ng isang mabait na sponsor para sa kanilang Kapamilya Cup, si Sen. Manny Villar na hindi lamang naman pala mga OFWs ang tinutulungan kundi kung sino man ang nangangailangan.

Sa isang maikling pakikipag-usap sa kanya, sinabi ng senador na hindi siya nababahala kung patuloy ang pagdami ng numero ng mga gustong tumakbo sa pagka-pangulo ng bansa.

“Mas masaya dahil mas maraming mapag­pipilian ang mga tao bagama’t ang mga tumatakbo ngayon ay yun ding tumatakbong dati. Maganda ito, in six months. Makakasali tayo sa isang mahalagang exercise,” sabi niya.

Sa ngayon ay wala pa siyang napipisil para maging running mate.

“Basta, ang gusto ko ay yung sigurado ang gender,” sabi niya na inaa­sahan ng lahat nang kumausap sa kanya ay magsisimula ng isang malaking intriga. Napangiti lamang ang senador.

Isa rin ang pulitiko na identified sa local showbiz dahil marami siyang ka­ibigang artista. Pero sinabi niyang hindi totoo na tatakbo bilang bise pre­sidente niya ang isang TV host. Kaya lamang aniya ito nababalita ay dahil palagi silang magkasamang dalawa.

“Okay lang na ma-identify ako sa mga artista, lalo na yung mga artistang galing sa hirap. Hindi kuwestyon sa akin kung marami sa kanila ang negative ang image. Hindi naman ako ang tipo na nanghuhusga ng kapwa,” dagdag pa niya.

Show comments