Nali-link na VJ kay Jennylyn tsugi sa MYX

Tsugi sa MYX ang nali-link na VJ kay Jennylyn Mercado na si Andrei Felix. Pero graduate ang ginamit na term ng MYX boss. Kasama niyang nawalan ng trabaho sa MYX si VJ Monica na ikinatuwa ng maraming MYX followers dahil sobra silang naaartehan na parang pag nagsalita raw ay pagkaganda-ganda at pagkagaling-galing.

Pero nawala man ang dalawa, may bagong pasok naman. Ang dalawang nanalo sa MYX VJ Search ’09 na sina Janine Ramirez and Nel Gomez na ipi­na­kilala sa entertainment media kahapon.

Pero hindi raw sila kapalit ng dalawang mawawala sa ere dahil hindi naman sila ang makakapalit sa iiwang portions nina Andrei and Monica. Ilala­gay sila sa mga bagong programa ng nasabing music channel.

Na-retain na VJ sina Luis Manzano, Iya Villania, Nikki Gil, Bianca Roque, Chino Lui Pio, at Robi Domingo.

‘Wagi sina Janine at Nel sa daan-daang nag-audition na nangangarap na maging video jockey.

Dumaan sila sa matinding pagsubok bago sila napili.

Si Janine ay dating marketing specialist sa ibang bansa. Pero nilayasan niya ang kanyang trabaho nang malamang naghahanap ng bagong VJ ang MYX.

Feeling daw niya, may iba pa siyang puwedeng gawin bukod sa pagiging marketing specialist at makatakas sa buhay sa opisina.

Mahilig sa musika si Janine at ito ang nagtulak sa kanya para ipursige ang ambisyon.

Bukod sa pagiging VJ, gusto rin niyang subukan ang showbiz kung magkakaroon ng pagkakataon.

Si Nel naman ay19-year old mestizo na kayang-kayang mag-Michael Jackson sa kanyang pagsayaw at pagkanta.

Kaya nga puwede siyang mag-showbiz pero say ni Nel concentrated muna siya sa pagiging VJ.

* * *

Mga nanay na may bitbit na mga bata ang maraming nakikinood sa shooting ni Erap kahapon sa may area ng Roosevelt para sa pelikula nila ni AiAi delas Alas na Ang Tanging Pamilya.

Ang iba hoping makaka-usap si Erap at makahingi ng tulong dahil tatakbo nga itong presidente.

Tinatapos na ang nasabing pelikula ng Star Cinema dahil nag-deklara na ng kandidatura ang dating presidente. 

Ang may problema ngayon ay si Senator Bong Revilla na kasali sa Metro Manila Film Festival ang tinatapos niyang Ang Panday.

Binabantayan na ng COMELEC ang mga kakandidatong artista. Ayon sa isang taga-COMELEC kailangan munang i-klaro sa kanila para hindi magka-problema.

Next month na ang filing ng candidacy.

* * *

 PG 13 without cut ang ibinigay na rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa Patient X. Kaya may mga nagtatanong kung bakit hindi sila mag-appeal for a GP rating. Pero napagkasunduan naman daw ng mga producers - GMA and Viva Films including Richard Gutierrez ng RGutz Productions na ayaw nilang isakripisyo ang artistic integrity ng movie. “It’s really not for kids but confident sila that viewers 13 and up will appreciate the film. Sabi nga ni Mr. Joey Abacan, wala tayong magagawa nakakatakot talaga yung movie e,” sa isang statement that I got thru text.

Show comments