^

PSN Showbiz

Mga kasalanan ni Lotlot binuking ni Pilita

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Maganda naman pala ang takbo ng istorya ng Tinik sa Dibdib na kung saan papasok na si Nadine Samonte bilang kapalit ni Sunshine Dizon. Buhay pa rin yung character ni Sunshine pero, may iba nang mukha,

I congratulate GMA 7, malaking problema yung pagkawala ni Sunshine na nalutas nila sa tulong ng magagaling na writers nila. Madaling mapalitan kapag support characters lamang ang nawala pero, kapag major lead na, ibang kaso na yun. It was Sunshine’s project, tulad din ng Kaya Kong Abutin ang Langit na si Iza Calzado naman ang bida.

* * *

Hindi ako naniniwala na may third party na involved sa break up nina Gab Valenciano at Ra­chel­le Ann Go.

Kawawa naman si Carmen Soo na pinag­bibintangan ng lahat. Dahil lamang siguro nakita silang magkasama ng anak ni Gary V after the split.

Ako naniniwala na mas personal ang dahilan ng kanilang break-up. Malamang hindi pa talaga nila nahuhuli ang ugali ng isa’t isa.

* * *

Tama yung sinabi ni Pilita Corrales na she exerted all efforts para maging friendly sila ni Lotlot de Leon nung mag-asawa pa sila ni Ramon Christopher.

Kay Lotlot ang pagkukulang dahil parang hindi to naging comfortable kay Pilita na hin­di naman isang pakialamerang biyenan. Feeling nga ni Pilita parang takot ito sa kanya gayung she left her and Monching alone.

Pero she feels na hindi tama na iniwan nito ang bahay nila ni Monching, and even her children.

Pakiramdam niya, iniwan din nito ang lahat niyang responsibilidad at karapatan sa kanyang mga anak.

Pero sa pag-alis nito patungong USA, wish ni Pilita na makita nito ang happiness na hinahanap niya.

May show nga pala si Pilita kasama si Rico J.Puno sa November 13 sa Music Museum . May pamagat itong The Diva and The Debonair.

ANN GO

CARMEN SOO

GAB VALENCIANO

GARY V

IZA CALZADO

KAY LOTLOT

KAYA KONG ABUTIN

MONCHING

MUSIC MUSEUM

PILITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with