New Moon kinasasabikan,fans hindi na magkandaugaga

MANILA, Philippines - Hindi na magkandaugaga ang marami sa nalalapit na pagpapalabas ng sequel ng Twilight. Ubos kaagad ang mga tiket na ibinenta sa websites para sa midnight premieres ng The Twilight Saga : New Moon. Sa US at Canada, sinira nito ang rekord para sa advance ticket sales ng alinmang pelikula hanggang sa kasalukuyan. Ayon sa mga kritiko : “Fan frenzy is making this film a bigger phenomenon than the original.”

Sa ikalawang episode ng seryeng Twilight ni Stephenie Meyer, naging malungkot ang debut ni Bella Swank. Sa pagnanais niyang maging bahagi ng mundo ni Edward Cullen at kapamilya, lalo siyang nalagay sa maraming kapahamakan. Dahil dito, nilisan nina Edward ang Forks, Washington, at nagpakalayo kay Bella. Pero ang pinaghiwalay ng panganib ay pilit paglalapitin ng kakaibang pag-ibig. Gagawin ni Bella ang lahat para sa pagmamahalan nila ni Edward. Sa bandang huli, malalaman kung sino ang matibay ang puso: ang bampira o ang tao?

May mas matinding aksyon at romansa, ang New Moon ay nagbibigay-daan sa pagbabalik ng pinakamainit na tambalan sa Hollywood ngayon nina Robert Pattinson at Kristen Stewart. Kabituin ang hunk actor na si Taylor Lautner bilang si Jacob Black, ang misteryosong miyembro ng Quileute tribe.

 Ang New Moon ay magliliwanag sa Nobyember 20.

Show comments