Subterranean ng Johnny Cross ilulunsad
MANILA, Philippines - Ilulunsad ng alternative band na Johnny Cross ang kanilang Subterranean album sa ilalim ng GMA Records sa October 26, 2009 sa Hard Rock Café sa Makati City. Ang nasabing event ay hinati sa dalawang bahagi - media launch sa alas-11:00 a.m. at concert sa alas-8:00 ng gabi na parehong idaraos sa Hard Rock Café. Nasa larawan ang mga miyembro ng Johnny Cross band - mula kaliwa - Chrismark Yanes (bass), Miki Boado (rhythm guitar), Roman Prospero (lead guitar), Rera Mallari (vocals) at Fender Polido (drums).
- Latest