Piolo magpo-produce uli ng pelikula

Sa hirap ng buhay ngayon, talagang kinai­langan kong tulungan ang FAMAS para mairaos ang 57th Gabi ng Parangal nito.

Lahat ng lumahok sa gabing yun ay nagbigay ng kanilang serbisyo ng libre, simula sa mga artista na nag-participate, hanggang sa PAGCOR Grand Theater sa Parañaque na nagpa­gamit sa amin ng libre ng kanilang lugar.

Hindi na kataka-taka na makakuha ng pitong awards ang Baler ng Viva –best picture, best cinematography, best story, best sound, best art direction, best editing at best theme song — pero, revelation para sa akin ang pananalo ng indie film na Ay Ayeng na nanalo ng best actress (Heart Evangelista), best director, best child actor, best child actress at best special effects.

Ang nanalong best actor (Allen Dizon), best supporting actor (ang inyong lingkod), best supporting actress (Snooky Serna) at best screenplay ay mula naman sa indie film na Paupahan.

Kung naintriga man si Direk Carlo Caparas nitong mga nakaraang buwan dahil sa pagkakapili sa kanya bilang National Artist, nasuklian naman ito ng pagtanggap nila ng kanyang kabiyak na si Donna Villa ng pinaka-mataas na award na iginawad ng gabing yon, ang Presidential Award.

Apat na kabataang artsta ang pinili ko para pagkalooban ng award, ang German Moreno Youth Achievement Awards, sina Kim Chiu, Gerald Anderson, Aljur Abrenica, at Kris Bernal

Malalaking pangalan din ang naging mga performers tulad nina Pilita Corrales, Imelda Papin, Ara Mina, Jan Nieto, Mabuhay Singers at Primos, Ang huling grupo ang nang­harana kina Gloria Romero at Delia Razon na tumanggap ng Lifetime Achievement Awards. Nagsilbing escort ng kanyang lola Delia si Carla Abellana.

Malalaking pangalan din ang nag-host ng buong programa, sina John Nite, Jackielou Blan­co, Iza Calzado at Mico Aytona.

Sa kanilang lahat ang taong pusong pasa­salamat ko at ng FAMAS.

* * *

Kaya naman pala magpo-prodyus na naman ng pelikula si Piolo Pascual, nabigyan siya ng inspirasyon sa naging tagumpay sa takilya ng Kimmy Dora, ang launching movie ni Eugene Domingo na nagpasok sa takilya ng P80M sa isang buwang pagpapalabas nito sa mga sinehan.

Ang maganda kay Piolo at sa mga partners niya sa negosyo, handa silang gumastos makagawa lamang ng de kalidad na pelikula, gayung puwede naman silang gumawa ng indie o digital films dahil mas mura ang gastos dito, mas nagko-concentrate sila sa mainstream na kapag sinuwerte ay mabilis magbalik ng puhunan.

Show comments