Jaya diabetic, kailangang pumayat na

MANILA, Philippines - Matapos maging gold record ang huling album ni Jaya, ang Cool Change, balik-recording ang Queen of Soul sa Real Love Stories.

May 14 remake songs na sariling bersiyon ni Jaya ang lumabas, sariling tunog, sa mga istoryang nakapaloob sa buhay, pag-ibig, at lahat ng masalimuot na pinagdadaanan ng isang tao.

Ang carrier single na Hiding Inside Myself ay binigyang buhay ng solid na boses ni Jaya mula sa orihinal na manipis na boses ni Kenny Rankin.

Maganda rin ang rendition ni Jaya sa Al Jarreau hit na After All at Maybe This Time ni Michael Murphy. Kasama rin ang All My Life, I Won’t Last a Day Without You, Old Friend, Save the Best for Last, at I Will Survive.

Ang concept album ni Jaya na Real Love Stories ay naitaas ng lebel sa pagiging romantic compilation ng mga popular love songs.

Ang bagong CD album na mula sa GMA Records ay mabibili na sa Astroplus, Astrovision, SM Record Bars, at Odyssey Music Video outlets. Nagpapasalamat din si Jaya sa suporta ng Hard Rock Café.

Samantala, mataba pa rin si Jaya. Kung sabagay apat na buwan pa lang naman siyang nakakapanganak.

Pero kailangan niyang pumayat.

Diabetic siya at hindi advisable na heavy weight siya.

Show comments