Kabilang sa mga big names na guests sa 14th anniversary ng Startalk sa Sabado na tinawag na XCLUSIVE XPLOSIVE at XTREME ay ang magkapatid na Sen. Noynoy Aquino at Kris Aquino-Yap.
Si Ricky Lo ang nag-interview sa magkapatid para mas makilala ang senador at malaman ang future plans niya at ng kanyang pamilya.
Ang request lang nito’y no question on his lovelife, kaya kahit gustong mag-comment ni Kris, tumahimik na lang.
Tsika ni Kris, simula nang mag-ikot sa probinsiya si Sen. Noynoy, 16 black polo shirts na ang napunit dahil hinihila ng mga tao, kaya magpapagawa na naman siya. Bukod sa donation ng mga kaibigan at pamilya, sa talent fee niya sa mga endorsement kinukuha ang budget sa pag-iikot ni Sen. Noynoy at kumukuha lang siya ng pambayad sa tax. “Suweldo ko sa ABS-CBN ang panggastos namin,” sabi nito.
Nilinaw ni Kris na hindi talaga siya ang host ng Pilipinas Got Talent dahil it was never offered to her at ang maging resident judge lang ang ini-offer sa kanya. Makakasama niyang judge si Mr. Freddie Garcia at isa pang hindi napipili. Sina Billy Crawford at Luis Manzano ang mga hosts ng talent show.
Sa Nov. 16, magsisimulang mag-taping si Kris ng bago niyang soap sa ABS-CBN entitled Kung Tayo’y Magkakalayo, to be directed by Erick Salud and Trina Dayrit, the same team behind Tayong Dalawa. Gaganap siyang ina ni Kim Chiu at sa tanong kung bakit siya pumayag maging ina ni Kim, ang sagot ni Kris ay “because Kim and Gerald (Anderson) are the number one young stars of their age bracket.”
Kundi Jan. 25, 2010 ay sa February ang airing ng soap, kung saan big male star ang makakapareha ni Kris.
* * *
Matutuwa nito si Dingdong Dantes dahil “heaven sent” kung ituring ni Kris Aquino ang pagsuporta ng actor sa pagtakbong presidente ni Sen. Noynoy Aquino. Ang binata ang spokesperson ng Ayos Na! o Advocates of Youth and Students for Noynoy Aquino at may 25 itong tauhan working under him.
“He’s heaven sent talaga. We needed a young male to head the youth sector and he volunteered. I asked him bakit idol niya ang dad ko at kinuwento naman niya. Na-impress ako dahil sa meeting niya with Noynoy, he asked serious questions and being a marine reservist, gusto niyang tulungang makapag-aral ang mga marines na may mga anak,” wika ni Kris.
Na-impress pa si Kris nang malamang matagal ng may scholarship program ang bida ng Stairway to Heaven at may magga-graduate na ng dentistry sa mga pinag-aaral nito.
* * *
Ikakasal na sa Jan. 17, 2010 sa Manila Cathedral ang Viva Artists Agency talent na si Roselle Nava sa fiancé niyang si Allen Tan. Hindi lang karelasyon, business partner din ng singer ang mapapangasawa sa music school niyang Music Corner by Roselle.
Nine years ang relasyon ng dalawa bago nag-propose si Allen at very proud si Roselle sa engagement ring na suut-suot niya. Green and purple ang motif ng kasal na from P800,000, P1.3 to P1.5 million na ang wedding budget.
Kahit naghahanda sa kanyang kasal, busy pa rin si Roselle sa pagpo-promote ng self-titled at 12-track album niya sa Viva Records. Ang Looking Through Your Eyes, ang carrier single na song din niya for her future husband.
* * *
Very much welcome kay Rico J. Puno ang sinabi ni Pilita Corrales na kung ano ang gagawin ng una sa huli sa first-time concert nilang The Diva and The Debonair, ay gagawin din niya. Magi-expect ang audience na manonood sa November 13, sa Music Museum na maghihipuan at magpapalitan ng naughty spiels ang dalawa.
Samantala, inamin ni Rico two years na siyang banned mag-show sa mga casinos ng PAGCOR dahil sa isang show nila ni Hajji Alejandro, nag-joke sila tungkol kay Garci at Sen. Lito Lapid. Puwede lang siyang mag-show sa casino na licensed by PAGCOR pero not run by the government.
* * *
Thursday sa Kaya Kong Abutin ang Langit, nakulong si Daryl (Wendell Ramos) at nabalik sa pamilya niya si Therese (Isabel Oli) at pinalabas ng parents ng dalaga na ipinagpalit siya ng BF sa pera.
Kasunod noon, nag-abroad ang pamilya Gardamontes.