Niña Jose bumigay na
MANILA, Philippines - Lahat ng lalaki, may pinapantasyang babae.
Isang babaeng gorgeous sa loob at sa labas.
At bagay sa nasabing description ang batang-bata at magandang si Niña Jose.
Ang dating Pinoy Big Brother housemate-turned-model/actress continues to blaze trails as she stars in one noteworthy project after another. Ang kanyang latest film na I love Dreamguyz, ay isang ebidensiya na patuloy ang pag-angat ni Niña bilang inaabangang young actress ng bansa.
Pagkatapos ma-nominate sa Star Awards bilang new Movie Actress of the Year para sa kanyang pagganap sa Shake Rattle & Roll 10, may full lenght movie na si Niña.
Gagampanan niya sa I love Dreamguyz ang character ni Jenny, ang supportive at understanding live-in girlfriend of Jake (played by Jay L. Dizon).
Grabe ang mga lovescenes nila dito ni Jay at masasabing sobrang daring ni Niña. Malaki ang naitulong kay Niña ng Desperadas 2, kung saan ginampanan niya ang malanding nurse na sumira sa relasyon ng isang mag-asawa.
Doon nagsimula ang kanyang transition - from teenybopper to sexy. It also initiated her into the high standards expected by award-winning Joel Lamangan who is also at the helm of I Love Dreamguyz.
‘‘Noong nalaman kong kasama si Niña sa… Dreamguyz,’’ natuwa ako kasi alam na niya ang estilo ko sa pagtatrabaho,’’ says Direk Joel. ‘‘Marunong siyang makinig. She is very teach-able. Truly star material!’’
Niña admits that she was very challenged and nervous, especially in doing the steamy love scenes.
Ang I Love Dreamguyz ay sa ilalim ng production ni Manny Valera’s DMV Entertainment na ipapalabas sa November 4 sa Robinson’s Galleria, Robinson’s Ermita, Remar, Cinema Isetann Recto, Gotesto Grand Central, Roben and Ultra Vista Cebu.
- Latest