Cristine malapit nang ma-in love kay Richard

Alam mo, Salve A., lalong magkakaroon ng rason ang mga foreign at local tourists na dayuhin ang Subic dahil nagkapirmahan na ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at ang real estate developer na Ayala Land, Inc. (ALI) para sa 50-year lease agreement para sa 7.5-hectare property sa may Rizal Highway sa loob mismo ng Subic Bay Freefort Zone. Idi-develop ng Ayala Land ang nasabing lugar sa Subic para sa isang shopping mall, Business Process Outsourcing (BPO) office building, at hotel.

* * *

Thirty-one years din ang ipinaghintay ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde bago niya nakuha ang serbisyo ni megastar Sharon Cuneta para pagbidahan ang MMFF entry ng kumpanya, ang Mano Po 6 kung saan tampok ding bituin sina Zsa Zsa Padilla, Kris Aquino, Heart Evangelista, Dennis Trillo, at iba pa.

Tuwang-tuwa siyempre si Mother Lily dahil sa wakas ay natupad na rin ang matagal na niyang pa­nga­rap na magbida sa kanyang pelikula ang megastar. 

* * *

May two-picture contract na pinirmahan si Claudine Barretto sa bakuran ng Viva Films na sa pagkakaalam namin ay magiging co-manager na niya along with Star Magic.

Matagal-tagal na ring walang bagong proyekto si Claudine sa ABS-CBN at Star Cinema kaya marahil naisipan niyang lumagda ng kontrata sa kumpanyang pinamumunuan ni Boss Vic del Rosario. Kung hindi ako nagkakamali, ang Iisa Pa Lamang ang huling teleserye ni Claudine kung saan niya nakabituin sina Gabby Concepcion at Diether Ocampo.

* * *

May misyon pa si Lyka Ugarte kaya siya muling binuhay ng Diyos mula sa kanyang pagtatangkang magpakamatay sa ika-apat na pagkakataon.  

Sana makita ni Lyka na mas miserable pa sa kanya ang kalagayan ng ibang tao pero pinipilit pa rin nilang bumangon at makipagsapalaran sa buhay. 

Maganda si Lyka, articulate at makakahanap siya ng trabaho kung nanaisin niya. Gawin niya sanang inspirasyon ang kanyang apat na anak para magkaroon siya ng drive na maghanap ng trabaho.  

* * *

Ilang beses nang napabalitang mamaalam na sa ere ang long-running morning show nina Carmina Villaroel, Janice at Gelli de Belen na SiS sa GMA 7 pero hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong namamayagpag sa ere.

Mahigit walong taon na rin ang SiS at iba’t ibang programa na rin ang nakatapat nila pero nanatili itong matatag.

Ayon kina Carmina, Janice at Gelli, never umano silang na-threaten sa kanilang kumpetisyon atlhough alam din naman nila na hindi rin permanente sa ere ang kanilang programa.

* * *

Sweet talaga si Richard Gutierrez sa kanyang mga nakakapareha either sa telebisyon o pelikula at hindi naiiba rito si Cristine Reyes na kanyang kapareha sa soon-to-be released horror movie na Patient X na dinirek ni Yam Laranas sa ilalim ng GMA Films, Viva Films at Gutz Productions ni Richard.

 ‘Di nga ba’t marami ang kumagat na may `some­thing’ na namamagitan kina Richard at KC Concep­cion nang magsama ang dalawa sa pelikula. Pero nang matapos i-showing ang dalawa nilang pelikula ay natapos din ang pagli-link sa kanilang dalawa.

Pero iba ang kay Cristine.

Nang tanungin ito kung posible ba siyang ma-inlab sa isang Richard Gutierrez, hindi raw ito imposible dahil bukod sa guwapo at simpatiko, napakabait pa ni Richard.

Samantala, ngayong malapit nang ipalabas sa mga sinehan ang unang tambalan nila ni Richard, ang Patient X, magiging busy naman si Cristine sa movie nila ni Vic Sotto na pang-MMFF.

* * *

Personal:  Maraming-maraming salamat kay Ms. Charisse Tinio ng Studio On Wheels na matatagpuan sa Emerald Place, Shaw Blvd., Pasig City. Advance birthday greetings kina Crispina Belen (Oct. 24), Mario Hernando (Oct. 25), Boss Vic del Rosario (Oct. 26), Manny Valera (Oct. 28), Boy Abunda (Oct. 29), Aila Marie Amoyo Reyes at Tintin Bersola-Babao (Oct. 30) at kina Annabelle Rama at Christopher de Leon (Oct. 31).

* * *

a_amoyo@pimsi.net

Show comments