Lyka Ugarte hindi stable - emotionally and mentally

Isang victory party ang ginanap kagabi sa Barrio Fiesta sa SM Megamall. Nagkaroon ng victory party si Heart Evangelista dahil nag-win nga siya ng best actress trophy sa FAMAS.

Inimbitahan ni Heart ang kanyang mga kaibigan, pamilya at ang entertainment press na sumusuporta sa career niya.

Kamag-anak ni Heart ang owner ng Barrio Fiesta kaya dito idinaos ang kanyang victory party.

Ibinigay kay Heart ang kanyang best actress trophy sa taping ng Full House sa Mexico, Pampanga noong Lunes ng gabi.

Saka lang naniniwala si Heart na siya talaga ang winner nang makita niya na ang kanyang pangalan ang nakasulat sa trophy.

Nag-win si Heart para sa indie movie na Ay, Ayeng. Memorable sa kanya ang pelikula dahil ginawa ito noong walang direksiyon ang career niya. Three years old na pala ang Ay Ayeng.

* * *

Nagsimula na si Heart ng shooting para sa Mano Po.

Anak ni Sharon Cuneta ang role ni Heart sa filmfest entry ng Regal Films. Halos kasing-edad ni Heart si KC Concepcion kaya pasado siya para gumanap na anak ni Sharon.

Naging kind kay Heart ang 2009 dahil magagandang projects ang dumating sa kanya, sa TV at pelikula.

* * *

Bukas ang malaking event ng GMA Artist Center, ang formal launch ng S Magazine sa ground floor ng GMA Network Center.

Star-studded ang event dahil dadalo ang lahat ng mga artista ng Artist Center. Ito ang bihirang pagkakataon na magkakasama sila sa isang affair.

Formal ang event kaya sure ako na magpapatalbugan ang mga contract star ng Artist Center na nagkaroon ng exclusive pictorial para sa S Magazine.

* * *

Nega ang feedback sa attempted suicide ni Lyka Ugarte at hindi ito nakapagtataka dahil kailan ba naman naging positive ang news na ganito?

Hindi emotionally at mentally stable si Lyka. Dapat siyang magpatingin sa isang psychiatrist dahil hindi normal ang kanyang ginagawa. Malaking kasalanan sa Diyos ang tapusin ang sariling buhay.

* * *

Hindi na maabot sina Ricky Lo, Shirley Pizarro, Isah Red at Dolly Ann Carvajal dahil silang apat ang starring sa showbiz talk show na mapapanood sa watchpad ng PLDT MyDSL.

myFoursome ang title ng kanilang show na libreng mapapanood ng mga subscriber ng PLDT MyDSL.

Idea ni Gary Dujali ng PLDT MyDSL na pagsama-samahin ang apat dahil sa tuwing magkakasama sila, aliw na aliw si Gary sa mga showbiz issue na pinagkukuwentuhan nila.

Show comments