^

PSN Showbiz

Ruffa at Cristine: Naging magkaribal kay John Lloyd

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Almost a month ang gap ng pe­likulang Tagalog na ipinalalabas lately.

Last na ipinalabas sa mga sinehan ang Nandito Ako…Nagmamahal sa ’Yo ng Regal Films na ipinalabas right after ng Ondoy. At sa 28 lang ito susundan ng Patient X starring Richard Gutierrez and Cristine Reyes.

Madalang na madalang na talaga ang mga pelikulang lokal.

Ang sinundan ng Nandito Ako… ay ang In My Life. Before that merong Kimmy Dora and Tarot.

Next year kaya, ilang pelikula na lang ang ipapalabas?

Though marami-rami rin naman ang mga indie films na nagkaroon ng commercial exhibition pero iba pa rin ’pag mainstream.

Grabe, malala na talaga ang sitwasyon ng industriya ng pelikula ng ating bayan.

Kaya maraming artista ang nag-iisip na pasukin na lang ang pulitika.

Halos wala na silang trabaho. Karamihan sa artista, sa TV na lang.

* * *

Speaking of pelikula, Halloween presentation ng GMA and Viva Films with RGutz Productions ang Patient X.

Marami nang nakapanood ng trailer and so far lahat sila, iisa ang reaction – super scared.

Nakakatakot na nga raw ang kuwento, ginamitan pa ito ng Dolby 5.1 Surround na sa Bangkok, Thailand pa nai-process at mismong si Direk Yam Laranas pa ang nag-supervise. At kung bida si Richard sa pelikula, mismong Gutierrez brothers ang makakalaban niya. Pinaka-grabe si Elvis na gumaganap na aswang sa pelikula na pilit na inaagaw ang misis (Cristine Reyes) nito (Richard) na isa rin palang aswang.

Gaganap na isa pang aswang si Rocky.

Kaya labanan ito ng magkakapatid.

Ayon kay JL, excited na sina Elvis at Rocky sa nasabing pelikula dahil kahit si Direk Yam ay bumilib sa dalawa.

Imagine, mula sa pagiging romantic and heroic roles, sa nakakatakot na pelikula naman mapapanood si Richard na isang doctor na may misteryosong pasyente. Dinala siya nito sa isang unimaginable horror.

“Pero hindi ako nagdalawang isip na tanggapin para maiba naman,” sabi niya sa previous interview. Bukod pa sa ina-admire niya ang style and work ethic ni Direk Yam na una niyang nakatrabaho sa Sigaw.

At siyempre, nag-enjoy si Richard dahil wala raw inhibitions si Cristine habang ginagawa nila ang pelikula. As in binigay lahat nito.

Anyway, ang sipag mag-promote nina Richard at Cristine. Last Sunday sa SM North EDSA sila nag-mall tour.

Sa Saturday (Oct. 24) 4 p.m. naman ang mall show ni Richard sa Metro Gaisano sa Market! Market! sa The Fort, Taguig City at sa Sunday (Oct. 25), 4 p.m. ang Patient X mall show sa SM Manila kasama na ang buong cast na sina Miriam Quiambao, TJ Trinidad, Dion Ignacio, Paulo Avelino, at iba pa.

Diretso na rin ito sa premiere night sa SM Manila rin ng 7 p.m.

* * *

Dati raw magkaribal sina Ruffa Gutierrez and Cristine Reyes kay John Lloyd Cruz.

Kaya ginagawan ng issue ang paghaharap nila sa The Buzz kahapon para sa Tough Ten portion.

Ganun?

Sinagot kasi ni Cristine na totoong magkasama sila ni John Lloyd sa Countryside kaya totoo ang balita noon.

Lumabas ang kuwentong tungkol sa dalawa (Cristine at John Lloyd) nung time na kainitan ang issue kina Ruffa at sa aktor.

CRISTINE

CRISTINE REYES

DION IGNACIO

DIREK YAM

DIREK YAM LARANAS

JOHN LLOYD

KAYA

NANDITO AKO

PATIENT X

PELIKULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with