MANILA, Philippines - Trick or treat…buhay na naman ang masked killer na si Michael Myers sa nakakapangilabot na pangalawang kabanata ng Halloween mula sa direktor na si Rob Zombie. Panahon na naman ng takutan at si Michael Myers ay muling maghahasik ng lagim sa Haddonfield, Illinois. Bumalik siya para ayusin ang isang “unfinished family business”.
Ngayon, gagawin ni Myers ang lahat para maitago ang mga sikreto ng kanyang nakaraan. Pero may isang taong magpapabago nito, isang taong hindi inaasahan ng lahat na siyang kanilang magiging tagapagligtas.
Naging matagumpay ang naunang Halloween ni Rob Zombie. Humakot ito ng 80 milyon dolyar sa takilya sa pagpapalabas nito noong 2007. Natuwa ang mga horror fans sa kakaibang kuwento nito, isang klasikong horror film na binigyan ng kakaibang treatment at atake. Ngunit sa kabila pala ng tagumpay na tinamasa nito’y nagdalawang-isip ang writer-director na si Zombie na gawan ito ng sequel.
“When I finished the first Halloween, I was burnt out, exhausted, and never wanted to hear the words ‘Michael Myers’ again,” ani Zombie. “But I feel that way after I finish anything that’s exhausting.”
Panoorin ang pagbabalik ng legendary masked killer sa pagbubukas ng Halloween II sa mga paboritong sinehan simula October 21. Ito’y mula sa Viva International Pictures.