Cellphone bill ni Mariel umabot ng P60K

Seen : Si Camille Pratts sa international airport ng Hong Kong kahapon. Papunta si Camille sa New York upang magbakasyon.

Scene : May dalawang tribu ang Survivor Philippines Palau, may dalawang bahay ang PBB Double Up. Inspired ng Survivor ang bagong concept ng PBB.

Seen : Natakot ang mga artista na madalas pumunta sa Greenbelt 5 nang malaman nila ang naganap kahapon na robbery at shoot-out.

Scene : Pinoy na Pinoy ang concept ng softdrink commercial ni Maja Salvador at ng Korean actor na si Kim Bum.

Seen : May honorarium ang VTR interview at TV guesting ni Lyka Ugarte. Malaking tulong ang mga honorarium sa kanyang mga gastusin. Nag-attempt mag-suicide si Lyka dahil sa kahirapan ng buhay at mga problema.

Scene : Hindi pa nasusundan ang drama show ni JC Tiuseco sa GMA 7. Habang hindi pa busy, dapat mag-enroll sa acting workshop si JC dahil kulang ang kakayahan niya sa pag-arte.

Seen : Naloloka si Mariel Rodriguez sa kanyang P54K na cellphone bill.

Scene : Kasali sa 11th Cinemanila International Film Festival ang Biyaheng Lupa ng Quantum Films. Ang Biyaheng Lupa ang directorial debut ng award-winning scriptwriter na si Armando “Bing” Lao.

Seen: Ang panunumpa ni Cesar Montano sa harap nina Senators Noynoy Aquino at Mar Roxas bilang miyembro ng Liberal Party. Kakandidatong Gobernador ng Bohol sa 2010 Cesar.

Show comments